n
TWO DAYS AGO, DUMEPENSA SI PNOY
sa mga batikos na kulang siya
sa empathy (pakikiramay, pakikiisa)
sa buong anim na taon ng pamumuno niya.
Sobra naman kayo!
Marunong namang
mag-empathize ang pangulo…
sa mga businessmen at mga bilyonaryo.
*****
IN SHORT, MANHID DAW ANG PANGULO
sa kalagayan ng mga mahihirap.
Manhid ba talaga?
Baka naman nakatungga lang
ng anesthesia.
Tagay pa!
*****
PNOY:
“Paano ba dapat ang reaksyon ko doon?
Pinagsasabunot ko ‘yung natitira kong buhok
at sasabihin ko, ‘Ano ba ang gagawin natin dito?’
Nakatulong ba ako doon?
Dapat ba na noong hinarap nila sa akin
‘yung problemang iyan,
nag-iiyak na lang ako?
Dapat ba nagdadabog ako doon?”
Ahem…
hindi ba’t ‘yung nga po
ang laging ginagawa mo?
*****
PNOY:
“Ang palagay ko, ang punto ko,
hindi ako tumayo dito para mag-showbiz,
tumayo ako dito para gampanan
‘yung papel ng isang pinuno.”
Ayuuun!!!
So… para kay PNoy,
ang pagpapakita ng empathy
at pag-alam ng kalagayan ng mga mahihirap ay….
SHOWBIZ??
Hmmm.. very revealing statement, no?
*****
SO, PARA KAY PNOY
ang isang pinuno
ay hindi dapat nakiki-empathize
sa kanyang mga “boss”??
Kaya naman pala.
Salamat po sa paliwanag, ser!!!
Klarong-klaro na!!!
*****
UMAASA RIN SI PNOY
na ipagpapatuloy ni incoming president
Rodrigo Duterte
ang mga nasimulan niya.
Paktay!
Ipagpapatuloy ni Digong
ang lahat ng kapalpakan niya???
*****
NANINIWALA RIN DAW SI PNOY
na hindi matutupad ni Duterte
ang mga pinangako niya noong kampanya.
Eh, ‘pag pinagpatuloy niya
ang mga nasimulan n’yo…
siguradong hindi nga niya matutupad
ang mga ipinangako niya!
Sheez.
*****
NAAALALA N’YO ANG SABI NI PNOY
last week na bababa siya na taas ang noo
dahil marami raw siyang maipagmamalaki:
6.9% growth in GDP (first quarter),
ang pinakamataas daw sa buong Asia.
Ganun pa man, sabi ng Ibon Foundation,
tayo naman ang may pinakamalalang
unemployment rate sa buong Asia
(5.8% noong January 2016).
So, ano nga ulit ang pinagmamalaki natin?
*****
SABI PA NG IBON FOUNDATION,
ang legacy na maiiwan ng PNoy admin ay:
1) Exclusionary economics (sila-sila lang)
2) Antipeople neoliberal policies (Di makatao)
3) Elite governance (Para sa mayayaman)
4) Deepened subservience to foreign interests
at the Filipino people’s expense.
Boom!!!
*****
TAPOS NA ANG OFFICIAL COUNT NG HALALAN 2016.
Tapos na ang paghihintay natin.
Ito ang pinakamabilis na bilangan
na nakita natin sa history ng Philippine elections.
At kung nasa bakod ka ng mga natalong kandidato…
ito na rin ang pinakamabilis na…
dayaan.
*****
ANG MGA NANALONG SENATORS
(votes in millions):
- FRANKLIN DRILON (LP) – 18.607
- JOEL VILLANUEVA (LP) – 18.459
- TITO SOTTO (NPC) – 17.200
- PANFILO LACSON (Ind.) – 16.926
- RICHARD GORDON (Ind.) – 16.719
- JUAN MIGUEL ZUBIRI (Ind.) – 16.119
- MANNY PACQUIAO (UNA) – 16.050
- FRANCIS PANGILINAN (LP) – 15.955
- RISA HONTIVEROS (Akbayan) – 15.915
- SHERWIN GATCHALIAN (NPC) – 14.953
- RALPH RECTO (LP) – 14.271
- LEILA DE LIMA (LP) – 14.144
MASDAN ANG LISTAHANG IYAN.
Iyan ang patunay na ang mga Pinoy ay…
masokista.
*****
NUMERO UNO SI PORKLIN DRILOINK.
Bakit???
Dahil ba malaki siya at kitang-kita agad??
Bakit???
*****
HANDA NA BA TAYO
SA ISANG PACMAN SA SENADO?
Or rather,
handa na ba tayo
sa ABSENCES ng isang Pacman sa Senado?
You know.
*****
THIRD TRY NI RISA HONTIVEROS ITO.
Third time lucky.
Feeling Pia Wurtzbach na ba siya ngayon?
*****
SI LEILAN DILIM-AH…
bakit nakasabit sa laylayan ng senado??
Ahh…. alam ko ang sagot dito.
Dahil…
maganda ang boses niya.
Isang pong “I love you” d’yan, ma’m!!
*****
SI RALPH RECTO NA NAGPAHIRAP SA ATIN
sa pamamagitan ng VAT na ‘yan….
bakit nakapasok pa rin??
Kasi nga…
MASOKISTSA TAYO!
*****
SA PRESIDENTIAL AT VP RACE NAMAN…
Tama raw ang prediction ng mga Dilawan:
Ang mananalo ay ang RO-RO.
ROdrigo-RObredo.
*****
SA PAGKA-PRESIDENTE, NO DOUBT
na si Rodrigo Duterte ang nanalo.
Pero sa pagka-VP naman,
naging mahigpit ang laban.
263,473 ang mga boto
na sumabit sa laylayan ni Aling Leni.
*****
PERO SIYEMPRE
hindi naniniwala dito
ang mga suporters ni BBM.
May mga claims ng dayaan.
Ballots were pre-shaded daw.
Nakakapagtaka at improbable daw
ang 3.3 milloin na undervoting
para sa vice-president post.
Hindi raw tugma ang numero ng mga bumoto
sa numero ng mga binilang na boto.
Meron daw 700,000 votes na unaccounted for.
*****
WE COULD GO ON AND ON…
pero ang pinakamatindi at damning argument
ay ang pag-revise ng server script
ni Marlon Garcia ng Smartmatic.
Defense nila: para lang daw palitan ang ? ng Ñ.
Sabi ng kampo ni BBM:
How sure are we na walang IBANG nabago?
Malamang na maghain ng protesta
ang kampo ni Marcos matapos ang PROCLAMATION
ng mga nanalo sa Lunes.
Karapatan naman nila ‘yon.
At dapat ang maging resulta
ng imbestigasyong gagawin
ay katanggap-tanggap sa lahat.
Kung hindi…
forever tayong mumultuhin ng isyung ito.
*****
PARA SA DETALYADONG EXPLANATION
ng cheating claims, basahin ang sinulat
ni ex-Congressman Glenn Chong
na pinamagatang
Overly Simplistic, Erroneously Deceptive.
https://www.facebook.com/notes/glenn-chong/overly-simplistic-erroneously-deceptive/1212846852081761
*****
SPEAKING OF PROCLAMATION…
Totoo bang hindi raw dadalo si Digong
sa sarili niyang proclamation sa Lunes???
Ito ang umugong a few days ago.
If so, this will be a first.
Mabibigla pa ba tayo
sa takbo ng mga pangyayari
sa kampo ng incoming President Digong?
He is an unconventional president,
di pa ba obvious ‘yon?
*****
PERO KAHAPON, SINABI NI
incoming Justice Sec. Vitaliano Aguirre
na mukhang hindi naman daw iisnabin
ni Digong ang Congress proclamation.
AGUIRRE:
“I believe that he might… I believe so.”
Yun o.
Hindi pa rin sigurado. lol.
*****
SPEAKING OF AGUIRRE…
Sinabihan ni Digong si Aguirre na
wag santuhin kahit na sino sa DAP scam.
Kahit pa si Pnoy.
Paktay kay PNoy ka.
Pwede kaya mag-plead ng insanity?
*****
NOONG MARTES, SINABI NI DIGONG
na ang mga pinaka-corrupt na
government agencies ay ang:
LTO, CUSTOMS at BIR.
Nagbiro pa siya na ia-abolish niya
ang mga nabanggit na agencies.
At naihi bigla si Kim Henares.
Tapos, kinasa ang baril.
Afraid.
*****
DU30 WANTS MANDATORY DRUG TESTS
for all policemen and drivers.
Balak itong ipatupad mula July 1.
Kaya pala may sale daw
ng droga ngayon.
Clearance sale.
Going-out-of-business sale.
*****
MADALING ARAW NG LUNES, MAY 23,
dito sa Pilipinas
nang tanghaling Best Actress
ang ating pambato sa Cannes Film Festival
na si JACLYN JOSE.
Ang pelikula? MA’ ROSA,
tungkol din sa bentahan ng droga.
Droga sa tunay na buhay.
Droga sa news.
Droga sa pelikula.
Sana nga masugpo na ‘yan ni Digong.
*****
PERO SA MGA PRESS PEOPLE SA CANNES,
naunang tumatak sa kanila
si MARIA ISABEL LOPEZ
dahil sa pagparada nito ng kanyang
emerald green gown
na napakahaba ng train.
Takaw-atensyon talaga.
At sa hilera ng cast ng MA’ ROSA,
si Maribel lang ang kumaway-kaway
sa press people.
Baka akala niya Bb. Pilipinas ulit ‘yun!!!
*****
SABI NG ISANG TWEET:
Na-Maria Isabel Lopez kayo!
Ito yung agree lahat na parepareho kayo –
tapos pagdating ni bakla — kabog kayong lahat!
*****
BAGONG DEFINITION NG STANDING OUT:
Ako talaga yung Maria Isabel Lopez
sa crowd na puro Andi Eigenmann.
*****
AT DAHIL D’YAN… MAY BAGONG TITLE NA
si Maria Isabel Lopez:
Queen Mother of Aura!
*****
SAMANTALA…. SA ISANG MADILIM NA SULOK
ng isang kwarto….
may isang Reyna rin
ang nagte-take notes
at nag-iisip na ganito rin ang gagawin niya
sa susunod niyang birthday.
Kilala n’yo ba siya?
You know?
*****
DRIVER LUMUTANG
Manyak na driver na nanghipo ng pasahero
lumutang sa police station para pabulaanan
ang bintang sa kanya.
Akala ko lumutang…
sa ilog.
Sayang.
*****
PHOTO CREDITS:
RODRIGO DUTERTE: www.marriageandbeyond.com
LENI ROBREDO: www.imgrum.net
BONGBONG MARCOS: www.politics.com.ph
JACLYN JOSE: www.emirates247.com
NOYNOY AQUINO: www.exposure.ph
PHOTO URLs:
RODRIGO DUTERTE:
http://www.marriageandbeyond.com/wp-content/uploads/2015/12/Rodrigo-Duterte.jpg
LENI ROBREDO:
BONGBONG MARCOS:
http://politics.com.ph/wp-content/uploads/2015/06/politiko_features41.jpg
JACLYN JOSE:
http://cache.emirates247.com/polopoly_fs/1.630807.1463977543!/image/image.jpg
NOYNOY AQUINO:
http://exposure.ph/wp-content/uploads/2014/05/Aquino-4-1024×571.jpg