Kung may isang bagay na dapat tayong malaman sa pulitika dito sa atin, ito ay ang kahalagahan ng branding maging sa pangangampanya. Ayon kay Josiah Go, founder ng lehitimong direct selling business na Waters Philippines, ang “Change” na ipinagkalandakan ng ating paparating na presidenteng si Rodrigo Duterte ay mas may hugot kaysa “Daang Matuwid.” Sumablay ang Daang Matuwid, dahil hindi naramdaman ng masa ang suporta mula sa administrasyon, at ang paghihirap ng manggagawa sa pagpila sa istasyon ng tren. Huli na nang mamalayan ito ng mga alipores ng administrasyon, sanhi ng pagkagulapay nila sa surveys at kalaunan, sa eleksyon. Mahalagang malaman natin, mga kababayan na maliliit na negosyante, na ang pagtangkilik ng masa o ng nakararaming Pilipino, ay ang daan sa ating pag-asenso.
Kung may isang bagay lamang tayong dapat matutunan sa takbo ng showbiz dito satin, ay ito ay ang kapangyarihan ng masa, ng mga mahihirap, para i-angat ang isang di kilalang starlet papunta sa super-stardom.
Hmm.
Kayo ha.
Naghihintay na kayo ng blind item.
Tsk.
Bago tayo mag-tsismisan at magtuloy-tuloy sa usapang tunay na walang patutunguhan, subukan muna natin tanungin tungkol sa branding ng produkto sa negosyo ang mga walang kamuwang-muwang. Bakit, bihasa lamang ba ang may karapatang marinig? Si maharlikang BeBe Memes (maharlikang BBM) lamang ba ang maaaring humakot ng trolls? Huwag tayo ganyan, social oppression yan. Bigyan ng karapatan!
Heto si Aling Ising. Mayamang matrona. Makalansing ang kasuotan. May kalansing din tila sa isipan. Ang tindig, Melanie Marquez, ang hitsura Joey Marquez. Atin siyang kapanayamin.
“Itch not Ising, call me IC. Ano tanong mo, hijo? Packaging, wat da pack? Neber herd, neber wheel! Eww. Grows hah!”
“Ayokong-ayoko yang mga masa-masa na ganyan, juice colored. Galing nako jan! Iniwan ko na’ng buhay ng mga walang sinabi. Ang gusto ko, itong peanut butter ko, whorl class. Lahat ng buong world, sasakupin ko. Monaco, Scarborow, Marlborow, lahat!,” kumpas ng braso’t kamay pa-korteng bilugan, mga sampung ulit, habang nagsasalita.
“Dapat seamless ang disenyo ng botelya, tas uso dapat, yung green, green climate. Dash it, dash d tren. Alam mo kasi, hijo, wala na ang masa, federalism na tayo, tatanggalin na lahat ng economic tarpaulins. Dapat kaya natin makipag-compete. Parang pagpapa-botaks lang yan. Ako, maintenance botaks na ko, kitamo, oh – ang kinis ng kutis ko, di ba? Mahirap na. Yung binatilyo kong jowa, iiwan ako nun, kapag nakakita ng mas makinis. Buti na lang mapera ako. Maghanap siya ng ka-edad niya na milyonarya. Gudlak. Ha!”
“But enaf of me, I’ve had enaf of mayself. Sabi nga nung biznes mentor ko na may chains ng talipapa sa loob ng mga bigating malls – we have to be forward looking. Forward lang ng forward. Pag lumingon ka sa pinanggalingan mo, purita ka! Hihihihihi! Hngoinrrrk!”
“Kita? Aanhin ko naman ang kita kung mukha naman akong dukha sa harap ng mga amiga ko sa parlor, di ba? Dapat bongga ako palagi! Bongga sa alahas, sa pananamit, sa jowa, sa kotse, sa bahay, at sa negosyo, bongga! Yung kita, saka na yun. Importante bongga! Kaya dapat pulido ang packaging ng peanut butter ko, pang-mayaman, para mayaman din ang bibili, sino ba yang mga dukha na yan, may pambili ba sila? Wala!”
Iniwan na muna natin ang bruha. Sinusog naman natin ang pink na pink na opisina ni Menandro. May-kayang silahis. May tindig ni Joey Marquez. May hitsura ni Joey Marquez. May puso ni Melanie Marquez. Gambalain natin si ateng.
“Call me Minnie, kuya,” sabay byutipul eyes at himas pababa sa braso ko. ‘Packaging? Ahaay! Pak na pak! Sure, sure, chika tayo, dali!,” ang nagku-kumiliting kumpas ng mga daliri niya.
“Alam mo naman aketch, simple person lang. Charot! Noon, nag-home service ako, manikurista. Ang chaka chaka koh, nakaka-azar! Super dami bakekang sa mukha. BWAHAHA!
Nag-seminar ako sa soap-making, and then, ayun, ok naman sha. Inumpisahan ko sa bakokang ko sa fez. Tas nang gumana, gumawa na akwoh, tas join join family, janakis, ganorn. Una binenta ko 15 pesos, at eventually, nag-click, kasi trulaloo sold out ako sa product ko.
Dibah, ikaskas ko ba naman sa sarili kong fez, at makita nilang wala na kong bakokang, sino ba naman hindi buy nun, di ba?”
“Kaso ang chaka, kasi binabalot lang namin sa plastic yung sabon. Effective nga, chaka naman, eh di chaka pa rin di ba? Kaya nagpunta ako sa opisina ng isang branding expert. Pero, koya, clarify ko sa kanya, dapat within budget.
At ang budget ko, kung tataas man, hanggang Php20 per soap lang. Ok naman, mga Php17.50 xa now, pero super ganda ng packaging. Colorful, like a rainbow, with glitters, tas maraming pink hearts, my favoriiite!
Gustong-gusto ng mga customers ko sa parlor, palengke, at sa may saklaan. At ang maganda nito, proud na sila mag-refer. Binibigyan ko nga sila ng bonus pag-nag-refer eh! Malapit na ako apply for a direct-selling business of my own. But first, magkaka-branch na kami sa mall! Hay naku! Thanks to my bakokang face talaga! Hahahha!”
Heto naman si Mang Ato. Naulayawan nating naglalasing mag-isa sa kalsada sa tapat ng bahay nila sa kasagsagan ng init. Marami pa tayong oras para sa production, kaya tukain na natin yan. Reliable source yan. Loyal customer. Against all odds ito, susuporta sa produkto. Branding o wala. Kitang-kita naman sa namumungay na mga mata niya oh.
“Hik! Attorney na lang itawag mo sakin. Attorney talaga ako. Maaga natapos hearing ko, kaya heto, nagpapalamig. Packano? Gin ba kamo? Heto na lang, tagayan kita ng gin. Maupo ka. Maupo. Dini, parini.’
“Hah, bashta kapag nakikita ko misis ko, nais ko mag-inom. Kahit ano. Pero paborito ko talaga itong marka-dimonyo, iba pinagsamahan namin nito. Di ako iniwan nito kahit kelan. Pag nag-iba ng hitsura? Markang bading? Haha. Nagpapatawa ka yata. O sige. Kahit. Kahit pa. Bibili pa rin ako. Maige nang bading kaysa misis kong hukbalahap. Hik!”
“Bababa ang stocks ng gin? Eh ano naman ngahyorrrn? Hnggrrng? Hik! Kahit magkano pa abutin niyan, mag-i-istock pa rin ako. Sampung kahorrn! Mapera ako. Marami nagpapanotaryo sakin dun sa bangketa sa may Recto. Wala ko pakialam kay Buterte. Matapang siya? Abugado ako, panyero! Hik! Ako ang batash! Bastash! Hangriniiig mongrrrh?! Hik!”
“Hah? OO, HONEY! ANDIYAN NA! Ano? Nakaligo ka na? Sige, uubusin ko na lang itong 1.5 litro kong marka dimonyo, aakyat na rin ako! Tsup-tsupee!”
Marubdob na pasasalamat kay May-i Guia Padilla, Managing Director ng Metapixel Media and Design, na siyang nagpaunawa ng fundamentals ng branding, upang maayos nating mailahad sa mambabasa.
Photo credits: www.filipiknow.net