Quantcast
Channel: The Philippine Online Chronicles » Buhay Pinoy
Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

Tsinoys, tikoy, Kung Hei Fat Choi sa Taon ng Unggoy

$
0
0

CHINESE NY PC

Ang aking Lola Crispina (nanay ng tatay ko) ay mestiza Chinese. Lim ang kanyang apelyido, pero gaya ng nakagawian noong kapanahunan niya, ang ginamit niya ay ang apelyido ng ninong at ninong niya: Salazar. Ganun pa man, hindi ko natandaan na nag-celebrate kami ng Chinese New Year noong bata pa kami. Alam ko lang na IBA ang petsa ng kanilang New Year kesa sa atin. At alam ko rin na uso ang tikoy kapag papalapit na ang Chinese New Year. May mga kaibigan at classmates din ako na nakakakuha ng ang pao o ang pow, ‘yun bang maliit na red envelope na may lamang pera sa loob. Alam ko rin na laging may fireworks, parade at dragon dance sa Binondo, Manila, ang oldest Chinatown in the world. Pero tulad ng maraming Pilipino, hanggang doon lang ang kaalaman ko tungkol sa Chinese New Year.

BAKIT IBA ANG NEW YEAR NILA?

Ano ang ibig sabihin ng Lunar Year? Bakit lunar? At bakit paiba-iba ang petsa nito bawat taon? Sa buwan ba binabase ang pagbilang ng taon nila at hindi sa isang buong pag-ikot ng mundo sa araw, gaya ng ating kinagawiang pagbilang ng isang taon? Mag-crash course nga tayo!

Ang Chinese New Year — o ang tinatawag nilang “Spring Festival” sa China — ay nagsisimula sa unang NEW MOON (bagong buwan) sa pagitan ng January 21 at February 20. Ngayong 2016, ang new moon ay magsisimula ngayon, February 8. Kadalasan, ang pagdiriwang ay nagsisimula sa bisperas ng unang araw hanggang sa Lantern Festival na ginawa sa ika-15 araw mula sa unang araw ng unang buwan. Ngayong 2016, ito ay papatak sa February 22 (magbilang ka lang ng 15 days mula ngayon, February 8).

Nagsimula itong tradisyon sa China maraming centuries na ang nakalilipas, at ito ay base sa mga sinaunang traditions and myths o paniniwala nila. Paggunita at pagpugay din ito sa mga pumanaw nilang mga ninuno, pati na rin sa mga deities o mga diyos. Ang pagbilang ng taon sa China ay nagsimula noong rule ng 3rd Millennium BCE Yellow Emperor. Kaya ang 2016 sa kanila ay taong 4713, 4712 o 4653, depende sa kung sinong Chinese scholar ang tatanungin mo (mahigit kasi tatlo ang YEAR 1 na ginagamit ng iba’t ibang scholars).

CHINESE IN THE PHILIPPINES: A BRIEF HISTORY

Sabi sa mga history books, ang mga Chinese ay matagal nang nanirahan nang mapayapa sa Pilipinas kasama ang mga sinaunang PIlipino — bago pa man dumating dito ang mga Kastila noong 1521. Matagal na rin ang ating kalakal (trade) sa kanila, at dahil dito ay na-introduce sa atin hindi lang ang mga kagamitan at technology, kundi pati na rin ang kanilang traditions and customs — kasama na ang ibang pamahiin, feng shui (punsoy), at tanda ng paggalang tulad ng pagmamano. Naaala n’yo naman siguro ang film series na “Mano Po,” di ba? Isinalarawan ng mga pelikulang ito ang mga tradition — sinauna man o makabago – ng mga Filipino Chinese o mga Tsinoy.

CENTRO NG CHINESE CELEBRATION SA PILIPINAS

Siyempre, ‘pag sinabi mong Chinese Filipino, hindi mawawala sa usapan ang Binondo, ang district sa Manila na tinaguriang Chinatown. Gaya ng nabanggit kanina, ito nga ang tinuturing na oldest Chinatown in the world, na inestablish noong 1594. At obviously, marami sa mga nakatira dito ay mga Tsinoy, mula noon hanggang ngayon.

Sa matagal na panahon ay ito rin ang sentro ng selebrasyon ng Chinese New Year. Dito rin kasi matatagpuan ang mga tindahan ng iba’t ibang pang pagkain at items na tinutuking na maswerte ng mga Chinese, tulad ng tikoy, noodles, egg rolls, lucky charms, atbp. Tuwing Chinese New Year, sa Ongpin Street at iba’t ibang kalye ng Binondo umiikot ang traditional na dragon dance, na pinaniniwalaang nagdadala ng swerte. Kaya kung mas mahaba raw ang dragon, mas maraming swerte ang idudulot nito.

Bago mag-World War II, ang Binondo ang sentro ng banking and financial community (tinawag itong “Wall Street of the Philippines), pero matapos ang giyera noong 1945, marami sa mga taga-community na ito ang lumipat sa mas modernong Makati. Pati ang ibang nakasanayang tradisyon tulad ng pag-celebrate ng Chinese New Year ay kumalat at na-decentralize na rin — gaya ng pagkalat ng maraming malalaking malls na pag-aari rin ng mga Chinese Filipinos. At sa kasalukuyan, mayroong tinatayang 5 million Tsinoys sa bansa, o 5 percent ng buong populasyon natin. Pero kahit na kalat na ang mga Tsinoys sa buong bansa, ang Binondo pa rin ang tinuturing na “sentro” ng mga Tsinoy.

CHINESE NEW YEAR 2016 CELEBRATION HIGHLIGHTS

Gaya ng nabanggit, naghanda ang mga kapatid nating Tsinoy ng… pagkain! Tikoy at iba pang pagkaing malagkit (para raw sa pagsasama-sama o unity), pansit (para sa mahabang buhay), bilog na mga prutas (para sa kayamanan), at iba pa. Nariyan din ang bigayan ng ang pao (hong bao sa Mandarin at ang pow sa Hokkien, ang gamit ng maraming Tsinoys). At ang mga fireworks at mga lion dance, hindi lang sa Binondo kundi sa iba’t ibang panig na rin ng bansa. Ang iba nating kapatid na Tsinoy ay bumibisita sa mga temples para gunitain ang mga yumaong mga kapamilya o kakilala (sama mo na rin ang mga kapuso).

Kagabi ay ginanap ang countdown at fireworks display sa New Gateway ng Binondo. Pinangunahan nito ni Manila Mayor Joseph Estrada. Ang Chinese community, kasama ang mga employees at officials ng Manila city government ay nagsagawa ng solidarity parade, para ipakita ang pagkakaisa ng mga Chinese at Pilipino.

CHINESE NEW YEAR OFFICIAL HOLIDAY NA NGAYON

Noong August 2015, dineklara ni Pangulong BS Aquino III na special non-working holiday ang Chinese New Year (ngayong araw na ito). Sinabi niya ang Spring Festival o Chinese New Year ang “most revered and festive event celebrated not only in China but also in the Philippines.” May mga pumuna at bumatikos sa proclamation na ito, but that’s another story. Sa ngayon, pag-aralan natin ito…

DIFFERENT WAYS OF SAYING “HAPPY NEW YEAR” IN CHINESE

1. 新年好 / 新年好 (Xīnnián hǎo)
‘New Year goodness!’
In Mandarin: /sshin-nyen haoww/
In Cantonese: /sen-nin haow/

2. 恭喜发财 / 恭喜發財 (Gōngxǐ fācái)
‘Happiness and prosperity!’
In Mandarin: /gong-sshee faa-tseye/
In Cantonese: Kunghei fatchoy /gong-hey faa-chwhy/

3. 步步高升 / 步步高陞 (Bùbù gāoshēng)
A steady rise to high places! — “on the up and up”
In Mandarin: /boo-boo gaoww-shnng /
In Cantonese: /boh-boh goh-sshin /

HAPPY NEW YEAR!

 

SOURCES:
GRAND CELEBRATION OF CHINESE NEW YEAR TO UNFOLD IN MANILA
http://www.mb.com.ph/grand-celebration-of-chinese-new-year-to-unfold-in-manila/

BAGONG TAON NG MGA TSINO
http://www.timeanddate.com/holidays/philippines/chinese-new-year-day

CHINESE NEW YEAR IN THE PHILIPPINES
http://tagaloglang.com/chinese-new-year-in-the-philippines/

CHINESE NEW YEAR 2016
http://www.chinahighlights.com/travelguide/special-report/chinese-new-year/

CHINESE NEW YEAR (WIKIPEDIA)
https://en.wikipedia.org/wiki/Chinese_New_Year

CELEBRATE 2016 CHINESE NEW YEAR IN PHILIPPINES
http://newyearseveblog.com/chinese-new-year-philippines/

PHOTO CREDITS
NEW MOON: astrologyking.com
YEAR OF THE MONKEY: sillypearl.com
DRAGON DANCE DRAWING: www.meiloso.com
TIKOY: blauearth.com
ANG PAO: theserynaj.blogspot.com
CHINESE GREETING: whatsgoingonppl.blogspot.com
CHINATOWN DRAGON DANCE: traveleronfoot.wordpress.com

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

Trending Articles