NGAYONG ARAW NA ITO GAGANAPIN
ang engradeng 12-hour victory party
para kay incoming president Rody Duterte.
Gagawin ito sa Crocodile Park sa Davao City.
Bakit naman doon pa, of all places??
Baka kasi maraming buwayang darating.
*****
“DU31: ONE LOVE, ONE NATION”
ang title ng thanksgiving party na ito.
Mahigit 100,000 ang tinatayang dadalo.
Sabi ng reports:
“Duterte and his family are expected
to make an appearance at the event.”
EXPECTED TO…?
Hindi “WILL attend”?
So, hindi sure??
One word for you:
PROCLAMATION.
*****
UIPDATE:
Siigurado na raw na darating si Digong
sa thanksgiving party.
Ang di lang tiyak ay kung ano ang gagawin niya:
Kung mag-ii-speech, kakanta, o ano pa man.
Baka…
sisipol?
*****
BAWAL DAW ANG INHALERS SA PARTY.
ito kasi ang ginagamit ng mga “rollers”
(party drug users)
na pampa-enhance ng “tama.”
Ayun!
Kaya pala nagkalat ang inhalers
noong CloseUp Forever Summer concert.
Akala ko, marami lang ang may sipon.
*singhot*
*****
VICE GANDA: “DUTERTE’S VICTORY PARTY
IS A CELEBRATION OF HOPE”
Teka… bakit may umeepal na naman??
Eh kasi…
Hindi pwedeng umepal d’yan si Kris.
So, ‘yung proxy na lang.
*****
NAG-USAP NA NAMAN SINA ME1 AT ME2:
ME1: Ano ba yang Digong na yan???
May topak yata yan eh!
Napanood mo ba yung latest presscons n’ya?
Panay na naman ang mura.
Nagpapalusot pa sa mga kabastusan niya!!!
ME2: Pero bumawi naman siya sa huli, di ba?
Sabi niya, pagdating ng June 30,
magkakaroon daw ng “metamorphosis.”
Ibig sabihin, magbabago siya.
At least, may acknowledgment
ng kamalian niya, di ba?
Aware siya na may mga taong ayaw
sa choice of words at gawi niya.
Di tulad ng iba d’yan, di ba?
Ayaw umamin?
ME3 to ME9: BOOM PAN**!!!
******
METAMORPHOSIS BA KAMO?
Eh, di isama na rin natin ang
PHOTOSYNTHESIS
para kumpleto na ang biology lesson!
*****
ANG MGA INAWAY NI DIGONG LATELY:
Drug lords
Leila De Lima
Mexico
United States
Australia
Singapore
Commission on Human Rights
Catholics
Journalists
United Nations
atbp.
Sabi tuloy ng isang netizen:
Ang pusa ko na lang
ang hindi niya inaaway.
Baka naman takot lang
magsumbong si Muning.
Miao!
*****
MUCH ADO ABOUT NOTHING?
During a presscon in Davao,
when GMA-7 reporter Mariz Umali
was asking incoming president
Rody Duterte a question…
sumipol si Digong
at kumanta pa ng…
“Malayo ang tingin…”
Naging war zone na naman ang social media.
May mga nagalit kay Digong
for violating an ordinance of his own city.
Meron namang nagtanggol sa kanya
at sinabing palabiro lang talaga ito.
Nagkamurahan na naman sa internet.
Ang civilized natin, ‘no?
*****
NAG-REACT SIYEMPRE ANG HUSBAND
ni Mariz Umali na si Raffy Tima.
Sabi nito sa FB account niya:
“Catcalling my wife is wrong in so many levels.
I expected that from a Mayor Duterte.
I know his reputation well enough
not to be shocked by it, but that does not make it right.
For someone who espouses leadership by example,
catcalling anyone in a press conference
with all cameras trained on him defies logic.
Then again, thats Mayor Duterte.”
Masama rin ang loob niya sa mga naroon
dahil nagtawanan pa sila
imbes na sitahin daw ang maling asal ni Digong.
Masama rin ang loob ng ibang reporters dahil…
hindi sila nasipulan.
May favoritism??
*****
ANO NGA BA YANG DAVAO ORDINANCE NA “YAN?
“Davao City Ordinance No. 5004
penalizes sexual harassment on women,
which includes kissing or embracing someone
against her will and cursing, whistling
or calling a woman in public with words
having dirty connotations or implications
which tend to ridicule, humiliate or embarrass
the woman such as ‘puta’, ‘boring,’ ‘peste’, etc.”
Yown!!
So… kasali ang whistling!
*****
ANO ANG DEFENSE NI DIGONG DITO?
“Do not presume that you are the one
[who I catcalled].
It belongs to the person. I may look at you (whistles)
but I would look at that woman there.
Because if you do that, especially if I whistle in public,
you are speculating whether you are the one.
It needs to be a cajole, cajole in, (whistles)
‘Mare, ang ganda mo.’
There has to be something like, really, inviting the…
sexual undertones.
Kung mag-whistling lang ako,
[preventing] that kind of thing is intruding
into constitutional grounds.
Freedom of expression.”
So, lusot na ba?
Depende ‘yan sa inyo.
Kung anti-DU30 kayo,
eh hindi lusot ‘yan — EVER.
Kung pro-DU30 naman kayo,
maliit na bagay ‘yan.
Hindi na dapat pinalalaki pa.
Away ulit kayo!
Para civilized ulit kayo!!!
*****
ANO NAMAN ANG REACTION
ng tagapagtanggol ng mga kababaihan —-
ang GABRIELA?
Sabi ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan:
“If you are calling the attention of this reporter,
you could have used the other way…
We have to accept that our President is different
and he is working under a
cultural way of communicating.
Ganoon naman talaga ang mga Bisaya.
They are sarcastic. We exaggerate.
We make fun, pero accepted naman talaga.
It’s just a manner of speaking
but not the thought, it’s not the content.”
Ahhh.. I see.
Teka… bakit parang nagbago ang tono
ng taga-GABRIELA???
Errr…. si Ilagan po kasi ay tumakbo
bilang councilor sa Davao City
sa ilalim ng partido
na itinatag ni Digong noong 2001.
Yown.
*****
TANUNGIN NGA NATIN
ang mismong sinipulan na si MARIZ UMALI.
Ano ba ang reaction niya dito?
“Inisip ko na lang na I must understand
na baka palabiro lang itong si
President-elect Duterte based from how I know him
o kung ano yung alam ko doon sa mga coverages
sa kanya ng ibang reporters.”
She is not expecting an apology daw.
So…
sino ulit ang na-hurt sa pagsipol??
*****
LESSON:
Para sigurado, huwag na sumipol.
Mag-PSSSST na lang kayo.
Hindi bawal sa batas ‘yan.
Psssst!
(Yan ang tawag sa baby pusit).
*****
KA PAENG MARIANO OF ANAKPAWIS
was named Agrarian Reform Secretary
by incoming president Duterte.
At nalaglag ang panga ni PNoy.
Paktay na ang Hacienda Luisita!
*****
9 NA MAGULANG IKINULONG
sa pinaigting na “Oplan RODY”
o “Rid the Streets of Drinkers and Youth.”
ME1: OA naman! Di pa nga nakakaupo si Digong eh!
At saka bakit ngayon n’yo lang ginawa ‘yan?
Eh matagal nang ordinansa sa siyudad n’yo yan??
ME2: Ok yan! Ngayon, ginaganahan na
ang mga awtoridad na ipatupad ang ordinances
dahil inspired sila sa pagbabagong darating
at sa pagdating ng lider na may political will.
Sabihin n’yo yan dun sa 9 na magulang!
*****
SLOGANS NG PAST AND FUTURE PRESIDENTS:
FERDINAND MARCOS:
Sa ikauunlad ng Bayan, disiplina ang kailangan.
CORY AQUINO:
Tama na! Sobra na! Palitan na!
FIDEL RAMOS:
Philippines 2000
JOSEPH ESTRADA:
Erap para sa mahirap
GLORIA ARROYO:
Strong Republic
BENIGNO AQUINO III:
Kung walang kurap, walang mahirap
Tuwid na Daan
RODRIGO DUTERTE:
Tunay na pagbabago
Change is coming.
EMMANUEL PACQUIAO:
You know.
*****
QUOTES OF THE WEEK
FROM TWO SMART LADIES
This one’s from Chiqui Ortiz Dingcong:
“The anti-Duterte groups are itching to say ‘I told you so.’
I think what shocks and irritates them is that
we now have a President who talks straight to them,
instead of effin’ with them like all the past presidents.
He’s not apologetic, and tells it as it is.
Sure he lacks GMRC and sometimes make me cringe
with his crassness, but as long as he is doing his job
to improve our nation and our lives better,
then i will keep my mouth shut
instead of worrying about every word
that comes out of his mouth.”
*****
AND THIS ONE’S FROM MJ REYES:
“Oo nga, bastos sya. Oo rin, gusto ko siya.
Dahil sa kanya ako nakakita ng konting pag-asa.
Dahil sa kanya ako nakakita ng
tunay na malasakit sa kapwa.
Ngunit huwag kayong mag-alala
dahil nananatiling bukas ang aking mga mata –
handang sumuporta sa maayos na pamamahala
at handa ring pumuna at tumuligsa
sa tamang panahon, sa tamang kadahilanan.
I chose to choose my battles.
I shall fight at the right time
and for the right reasons.
For now, hintayin muna natin siyang maupo.”
*****
ANG WISH KO LANG:
Sana hindi biguin ni Digong
ang mga tulad nilang hopeful
sa pagbabagong inaasahan.
Dahil kung mabibigo sila,
mabibigo na naman ang Pilipinas
sa pinili nating mamumuno sa atin.
Sabay-sabay tayong mag…
*cross fingers*
*****
ITO LANG PO ANG MAIPAPAYO KO
kay Digong at sa mga nakapaligid sa kanya:
Huwag na po muna kayong
magpa-presscon.
Hindi naman po kayo required to do so.
Binibigyan n’yo lang ng rason ang mga haters n’yo
na tirahin ang bawat salita ninyo.
Less talk, less mistake.
Itanong n’yo pa kay Lito Lapid.
*****
NOTE: I wrote the item above
A DAY BEFORE Duterte’s head executive assistant
Christopher “Bong” Go announced that:
“Sa ngayon wala nang presscon
para wala nang mali.”
Aha!!!
Mr. Go!!!
Sinilip mo ang notes ko, no?!!!
*****
PHOTO CREDITS:
RODRIGO DUTERTE: ohtorch.com
DAVAO CROCODILE PARK: https://ronamaesuperaferraren.wordpress.com/2013/02/28/crocodile-park-davao/
RAFFY TIMA AND MARIZ UMALI: trendingblog.net
PHOTO URLs:
RODRIGO DUTERTE:
http://ohtorch.com/wp-content/uploads/2016/05/duterte-art.jpg
DAVAO CROCODILE PARK:
https://ronamaesuperaferraren.files.wordpress.com/2013/02/crocodileparkbanner-1.jpg
RAFFY TIMA AND MARIZ UMALI: