Quantcast
Channel: The Philippine Online Chronicles » Buhay Pinoy
Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

Halalan 2016: Anyare?

$
0
0

election post mortem

Tapos na ang national and local elections. Ang tanong: may friends ka pa ba? Dahil nga limang presidentiables at anim naman para sa bise presidente ang naglaban-laban, nahati rin sa lima o mahigit pa ang mga Pinoy. Marami ang nagsasabi na itong 2016 elections ang pinaka-divisive sa kasaysayan ng Pilipinas.

SOCIAL MEDIA

Isa sa factors ng divisiveness na ito — bukod sa pagkakaroon natin ng divisive president — ay ang social media. Kung meron kang “manok” sa mga tumakbo sa top two positions at mahilig kang mag-post ng mga balita o memes tungkol sa kanila, malamang meron kang kaibigan – sa social media man o sa tunay na buhay – na hindi sumang-ayon sa iyo. At kung ikaw yung tipong mahilig pumuna o manira sa mga kalaban ng manok mo — tiyak nabawasan din ang mga kaibigan mo. Maraming magkakaibigan – at kahit magkakamag-anak — ang nagsolian ng kandila. Some even burned bridges. Sana’y ma-realize ng lahat na ang susi para maiwasan ang ganito ay…. respeto. Irespeto mo lang ang choices ng iba. Huwag kang urot. At huwag kang mapangmata at palamura. Ganun kasimple.

TAGUMPAY BA?

Ang mas mahalagang tanong ay: Successful naman ba ang halalan? Depende ‘yan sa kung sino ang manok mo. Kung maka-Rodrigo Duterte ka, malamang kuntento ka na sa results. Wala naman kasing duda na milya-milya ang lamang niya sa mga kalaban niya, di ba? Kung pasok din ang manok mo sa pagka-senador, malamang okey na sa ‘yo ang naging halalan. Pero kung si Bongbong Marcos ang manok mo sa pagka-bise presidente, malamang nanggagalaiti ka ngayon dahil sa recent developments na may kinalaman sa pagbibilang ng mga boto. Babalikan natin ‘yang topic na ‘yan sa bandang huli ng artikulong ito. Balikan muna natin ang tanong: Successful nga ba?

FOREIGN OBSERVERS IMPRESSED DAW?

Kung ang Comelec ang tatanungin, siyempre, matagumpay ang halalan. The day after the elections pa lang, panay na ang high fives nila at panay puri na sa sarili, di ba? May dapat naman daw silang ipagyabang: na-impress daw kasi ang foreign observers sa elections natin. Sabi ng Smartmatic (na siyang nag-provide ng technology and vote counting machines o VCMs), tinuturing na tayong role model ng ibang bansa pagdating sa automated elections. Sabi ng chief executive officer nila, ang 2016 elections daw ay isang ”landmark with the largest ever manufacture and deployment of vote counting machines, making this a truly historic moment.”

Pero kung babasahin mo naman ang buong report ng foreign observers, hindi naman ganito kabulaklak ang papuri nila. Sinabi lang nila na ang elections “were generally orderly and peaceful.” In fact, pinuna nila ang mga sumusunod: may mga unauthorized assistants sa voting precincts, harassment of voters, vote buying, sirang VCMs, unsecure voting rooms and procedures.

MAKATI BUSINESS CLUB’S REACTION

Naglabas din ng statement ang prominenteng Makati Business Club patungkol sa katatapos na elections. Ito ang bahagi ng kanilang statement:

“The Commission on Elections deserves much appreciation for its management of a process, seen by many as highly credible, clean, and honest. We note that last minute changes in procedures, delays in logistical preparations, glitches in the Vote Counting Machines during election day itself, and the usual controversies presented significant challenges, which we believe Comelec adequately addressed. Indeed, automation is the way forward given the improvements since 2010, and the refreshing practice of losing candidates conceding early to the apparent winners, demonstrating dignity in the face of defeat, and the apparent winners showing humility in victory, should be commended.”

PAPURI NG DEP ED

Pinapurihan naman ni Education Secretary Armin Luistro ang public school teachers at iba pa nilang personnel na nagsilbi sa nakaraang elections. Ito naman ang nasabi niya tungkol sa Comelec: ““They did their work exceedingly well. I think that the minor problems are isolated cases and can be recorded for improvement of the system.”

CAMPAIGN OVERSPENDING

May mga pumuna naman sa Comelec sa hindi nito patas na pagtingin o pagbusisi sa mga campaign spending ng mga kandidato. Naalala n’yo ba na tinanggal sa pagka-governor ng Laguna si ER Ejercito dahil “he exceeded the campaign expenses allowed by law”? P19 million daw ang lagpas niya sa limit.

Para sa tumatakbong president at vice-president, ang campaign-spending limit ay: P543,638,440 bawat kandidato. Mula February 9 hanggang March 31, 2016 pa lang, eto na ang gastos ng mga kandidato:

PRESIDENTIABLES

Binay = 334.8M
Poe = 331.4M
Roxas = 157.8M
Duterte = 110.3M
Santiago = 0

VICE-PRESIDENTIABLES

Escudero = 236.1M
Robredo = 225.1M
Cayetano = 172.3M
Marcos = 42.8M
Trillanes = 38.9M
Honasan = 120k

Sa dami ng ads nila noong 2015 at lalo na nitong April hanggang first week of May, 2016, imposible naman yatang walang lumagpas sa limit. Pero mukhang walang pakialam dito ang Comelec. Wala naman kasing nasita, di ba?

TALAMAK NA VOTE BUYING

Nabanggit nga ng foreign observers ang laganap na vote buying noong elections. Alam na naman nating lahat ito, di ba? Campaign materials na may nakasingit na pera. Naka-ugat na yata talaga ang pagbili at pagbenta ng boto sa ating lipunan. Paano mapupuksa ito? Sa ngayon, dasal na lang talaga. Tanong n’yo pa kay Alma.

VOTER TURNOUT AND TRANSMISSION RATE

Sa 54.4 million registered voters, mga 40 million ang bumoto noong May 9. Ito ay 81.62%, ang pinakamataas sa kasaysayan ng Philippine elections. Pinagmalaki rin ng Comelec na noong Monday (Election Day), at 10:50 p.m, “the transmission rate for 2016 elections was already at 74 percent. In 2010 and 2013 of the same time, the electronic transmission was at 17 and 23 percent, respectively.” Babalikan natin yang transmission rate na ‘yan mamaya.

VOTE COUNTING MACHINES AND PRECINCT FINDER

Meron tayong kababayan na hindi nakaboto dahil nagloko ang vote counting machines sa presinto nila. Yung iba ang nagtiyagang maghintay hanggang sa mapalitan ang mga defective VCMs, pero yung mga iba ay umuwi na lang dahil sa inis – at sa init. Anu-ano ang mga naging problemsa sa VCMs? Ilan sa mga nabanggit ay ang mga sumusunod:

1) Hindi gumana o nag-malfunction dahil sa sobrang init ng panahon
2) Technical problems
3) The machines rejected some ballots
4) Some machines did not issue receipts
5) Replacement machines took long to arrive
(mahigit 150 machines ang kinailangang palitan).

May mga alegasyon din sa social media na mali daw ang lumabas sa resibo kesa sa binoto nilang kandidato. Ang mga ganitong reklamo ay pinangakong iimbestigahan ng Comelec. Pero nagbabala rin sila sa mga gumagawa lamang ng pekeng complaints. Kakasuhan daw nila ang mga ito.

Isa pang dahilan ng delay noong mismong Election Day ay ang hindi gumaganang Precinct Finder ng Comelec. At may mga angal din na hindi naman daw updated ang mga ito. Maging ang radio personality na si Gerry Baja na nag-check ng kanyang voting precinct ay nadismaya dahil ang nakalagay sa record niya ay ang luma pa niyang precinct.

QUICK COUNT

Hanggang ngayon, ang nakikita nating mga numero ay galing sa partial, unofficial counts. Pero ang quick ay biglang naging squeak count nitong mga nakaraang araw.

Nagkaroon daw kasi ng ilang problema. Ang mga tanong ng dating Comelec commissioner na si Gregorio Larrazabal: Ano ang talagang problema? Nasaan nanggagaling ang sanhi ng delay? Bakit hindi nababasa ang ilang SD cards? Wala bang tech support para sa mga naglolokong computers?

Ang suggestion ng ilang kampo: Itigil na ang partial, UNOFFICIAL count, at simulan na ang OFFICIAL count. Para nga naman walang nang kalituhan.

BONGBONG VS LENI

Kung wala nang kwestion sa pagkapanalo ni Duterte, tuloy pa rin naman ang bakbakan sa pagka-bise presidente. Sa unang araw kasi ng bilangan, lamang si Marcos kay Robredo. Pero ang lamang ni Marcos ay nagsimulang lumiit ng mga 9pm ng May 9. Pagdating ng 3am ng May 10, lamang na si Robredo. Kaya maraming maka-Marcos ang nagsabing “Natulog kami, lamang si Bongbong, paggising namin, lamang na si Leni.”

PLAN B AND COSMETIC CHANGE.

Naglabasan din ang maraming conspiracy thories: papanalunin si Robredo, ii-impeach si Duterte, at tuloy ang ligaya ng Liberal Party. Dinetalye din Rigoberto Tiglao ang “Plan B” na ito sa kanyang column.

Sabi ng kampo ni Marcos, pinalitan daw ang script ng computer program. Sagot naman ng Smartmatic at Comelec, “cosmetic” lang ang pagbabagong ginawa: pinalitan lang ng Ñ ang ? . Balik-tanong ng Marcos camp: Bakit kailangang palitan? Importante ba ‘yon? Sagot ng Smartmatic at Comelec: It won’t change the count at all.

Pero galit din si Commisioner Rowena Guanzon at gustong papanagutin ang Smartmatic: “They breached protocol and should be held liable.” At iimbestigahan daw nila ito — maging ang kanilang sariling mga tauhan.

COMELEC REASSURANCE

Kahit pa may reassurance mula sa Comelec chairman mismo na hindi naman naapektuhan ng “cosmetic” change ang bilang ng mga boto, hindi ito gaanong nakatulong dahil 1) nabahiran na ng pagdududa ang bilangan mula nang mabunyag ang pagpapalilt ng code — kahit na sabihin pang ito’y “cosmetic” lang. 2) ang chairman ay pinsan mismo ni Pangulong BS Aquino III — at siya rin ang nag-appoint sa kanya.

RECOUNT

Hindi mahalaga kung ikaw ay maka-Bongbong o maka-Leni. Ang mahalaga ay dapat WALANG bahid ng pagdududa ang resulta ng eleksyon. At maaalis lang ang lahat ng pagdududa sa pamamagitan ng isang recount. Computerized na naman ang elections, di ba? So, hindi naman siguro matatagalan ang isang recount. At kung matagalan man, okay lang. I-postpone na lang ang proclamation para sa vice-president. Ang importante, sino man ang manalo sa dalawa, ito’y walang bahid ng pagdududa. Yun lang ang paraan para matanggap ng sino man sa dalawa ang pagkatalo.

At please lang, sipain n‘yo na yung nagpalit ng ? to Ñ. Nangengealam eh!

PHOTO CREDITS:
RODRIGO DUTERTE: www.forbes.com
BONGBONG MARCOS/LENI ROBREDO: news.abs-cbn.com

URLs:
RODRIGO DUTERTE:
http://specials-images.forbesimg.com/imageserve/515843932/960×0.jpg?fit=scale
BONGBONG MARCOS/LENI ROBREDO:
http://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2016/regions/leni-robred-bongbong-marcos-031816.jpg’


Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

Trending Articles