DISMAYADO ANG MGA MANYAKIS.
Sabi kasi Ni Aling Leni:
“Aangat lahat, lalo na ang mga nasa laylayan.”
Akala kasi ng mga tulo-laway,
“Iaangat ko ang lahat ng mga laylayan.”
*****
ISA KA BA SA TINATAWAG NI ALING LENI
na nasa laylayan?
Kung ganun….
BUMABA KA D’YAN!!!
Namboboso ka ‘no??
*****
PAKITANONG NGA KAY ALING LENI:
Sino ba itong mga nasa laylayan??
At kung iaangat mo sila,
saan sila mapupunta —
mula sa laylayan??
Seryosong tanong po ‘yan,
Aling Laylayan, este. Leni.
*****
SI ALING LENI NGA PALA
ang pinakamalaki ang campaign spendings
sa mga vice-presidentiables.
Lagpas P225 MILLION na.
Saan kaya niya nakuha ang ganun kalaking halaga?
Baka nagbenta ng laylayan, este, kaluluwa
sa mga jueteng lords.
Itanong natin ‘yan kay Gov. Lilia Pineda.
*****
PRES. BS AQUINO III:
“Ang masakit ho sa akin, 30th year ng EDSA eh.
Kung kailan tayo lumaya,
ngayon ang parang lumalamang
‘yung mga nag-aastang didikta.
Parang may mali yata dito.
Ano ba ang nangyari?”
IKAW ang nangyari.
#CluelessForever
*****
PNOY WILLING TO FIGHT DICTATOR DUTERTE:
“I’m willing to die to save my father’s legacy.”
Weh?
Nagpasagasa ka ba??
We’re still waiting po.
*****
PNOY”
“I’m ready to die for democracy.”
ATAPANG A TAO!!!
ABU SAYYAF:
“Pupugutan namin si PNoy pag nahuli namin siya!”
PNOY:
DYOK LANG!!!
Di na kayo mabiro!
Si Kris na lang kunin n’yo.
Single din ‘yun.
*****
SPEAKING OF PNOY…
Di ba’t bawal sa mga govt employees
ang mag-post, share, o mag-like
ng mga campaign posts
para sa kanino mang kandidato?
Bakit itong pangulo natin,
lahat ng pinuntahang graduation
at iba pang pagtitipon,
eh hayagang nangangampanya
para sa mga manok niya?
At panay pa patutsada sa mga kalaban?
So, pwede mong labagin ang batas
dahil pangulo ka at … gusto mo lang?
Aba’y…
MATINDE KA, SER!!!!
*****
PNOY: DON’T SETTLE FOR POPULAR BET
May amnesia ba ‘to??
Nalimutan niya na ba kung paano siya nanalo???
Naging popular
dahil namatay ang popular niyang mommy???
Magtrabaho ka na lang, ser!
Tama na ang pagkampanya!!!
Di ka namin sinusuwelduhan
para ikampanya ang mga manok mo!!!
*****
RORO AND THAT FUNNY SURVEY
Nabasa n’yo ba yung tungkol sa survey
kung saan nanguna si MARIMAR at ALING LENI?
Ang pangalan ng survery firm na yun ay…
D’ STRAFFORD.
Ano yun?
Patahian? O tatak ng brief??
*****
BAKA NGA PATAHIAN.
Doon ka pwede magpasadya ng kahit na ano.
Kahit na surveys.
*****
ANG NAKAKATAWA,
ang website ng D’ Stafford ay ginawa
noong April 14 lang,
a day AFTER sabi nilang sinimulan ang survey.
Pasok, Karen Canpenter!!!
♪ Desperado…. why don’t you come to your senses? … ♪
*****
GANYAN SILA KA-DISENTE.
Ganyan sila kadesperado.
*****
SA SOBRANG DESPERADO…
Nanawagan na si MAR ROXAS
kay Sen. GRACE POE
na sila’y mag-usap
para talunin ang #1 sa survey.
Akala ko ba siya raw ang Flavor of the Month
ngayong May?
ANYARE??
Natunaw?
*****
ANO NA NGA ULIT ANG FLAVOR NG ICE CREAM NA YAN?
Ampalaya.
Or RO-RO.
ROCKY ROAD (na hindi tuwid).
*****
MAR ROXAS:
“Grace, mag-usap tayo.
Sabihin mo lang kung saan at kailan,
at darating ako.
“This is for unity. This is for our country.
This is for our future.”
Akala ko ba,
WALANG DRAMA??
Eh bakit sa media ka pa nag-announce?
Bakit di mo na lang tinawagan??
Sheez.
*****
SEN. GRACE POE:
“Nagulat ako sapagkat magkaibigan kami ni Sec. Mar.
Madali naman akong maabot,
pwede naman akong tawagan,
pwede akong i-text, pero…
dinaan niya sa media.”
Baka awan ti load, manang!
*****
BAKIT NGA DINAAN PA SA MEDIA?
Palagay ko… it was a desperate
CRY FOR HELP.
Pasok, Rick Astley!!!
*****
SABI NAMAN NG ISANG ANALYST,
ginawa ito ni Mar at PNoy
para kung talagang matalo nga sila,
may masisisi sila:
si Grace Poe.
Ayun!
Boy Sisi move pala ‘yun!!!
*****
REACTION NI MAR SA SAGOT NI POE:
“Uulitin ko, mahalaga ang mga bagay
na nakataya sa usaping ito: demokrasya,
ekonomiya, trabaho, kapakanan ng ating bansa.
For these and so many reasons,
di tayo papatinag.
As before: this is a fight worth fighting,
this is the good fight!
Tuloy ang laban! Ipanalo na natin ito!
Ganern?
Ang tanong…
PAANO???
*****
ANO ANG IN-OFFER NG PALASYO KAY POE?
Sabi ng post ni Peter Tiu Lavina:
“The Palace is negotiating with her lawyer through frat lines.
The offer sheet reads like a final wish
from a truly desperate man going to jail soon:
1) Refund all expenses
2) P500M
3) 3 cabinet posts except ES
4) 10 Usecs
5) 15 presidential appointees
Malacanang is deaf. It has not heard
the lady senator saying ‘Hindi ako aatras.’”
Ayuuuuun!!!!
*****
PNOY:
HUWAG IBOTO SI DUTERTE!
Akala ko ba ayaw n’yo ng dictatorship?
Bakit dinidiktahan n’yo kami ngayon
kung sino ang DAPAT naming magustuhan??
*****
NOONG MAY 4, MAY LUMABAS NA PETITION
na nananawagan kay Sen. Grace Poe
“to make the ultimate sacrifice.”
Pinapababa si Poe para manalo raw si Mar.
Kinabukasan, May 5, may isa pang petition
ang lumutang.
Nananawagan naman ito
para bumitiw si Mar in favor of Poe.
Eto ang win-win solution d’yan:
MAGBITAW SILA PAREHO!!!!
*****
SERIOUSLY THOUGH,
kung si Sen. Grace Poe ang bababa,
hindi lilipat ang boto niya kay Mar.
Poe fans also want change,
not a continuance of a failed government.
Galing na mismo ‘yan sa bibig ni Poe.
So, bababa kaya si Mar…. ULIT???
Ayaw ni Ate Koring!!!
*****
KAHAPON, UMAMIN SI PNOY
na nilalalkad n’ya nga
ang pagkakaisa ng mga kalaban ni Duterte
para talunin ito.
In short…
ayaw niyang mag-wheelchair!
*****
PNOY:
“I am trying to get all of these different voices together
and in that sense, perhaps help our candidate
get together and have that united front.”
THREE DAYS before Election Day???
Natulog ba kayo sa pansitan?!!!
*****
SA FINAL MAJOR SURVEY
bago mag-eleksyon,
lamang pa rin si Duterte with 33%.
Sinundan siya ni Poe with 22%.
Tapos, si Poe ang gusto n’yong bumaba??
Aba’y, sinuswerte!!!
*****
PNOY:
“Instead of thinking what should we do
if everything he says is exactly
what he intends to do, why dont we remove
that threat or problem or insecurity
by uniting the 70 and defeating the 30?
The whole point is, any of two of them unites,
if it’s Mar or Grace that unite,
we have more than 40 percent.
That defeats the 30 percent.”
Eh, di inamin n’yo ring si Grace Poe ang inyong…
PLAN B.
*****
DAGDAG PA NI PNOY:
“I’m trying to get all of the different voices
of different sections together.
Doing so would present a united front.”
I’m afraid it’s too late in the day for that, sir.
Your wheelchair is waiting for you.
Don’t worry.
Yellow siya.
At polka dots pa.
Para masaya!!
*****
MAR ROXAS: WE’LL CORRECT PNOY MISTAKES
Nyek! Paano yun?
Eh isa ka po sa maraming MISTAKES na ‘yun.
*****
AT ANO ANG NANGYARI SA “ITUTULOY KO….”?
Mukhang hindi n’yo na rin yata nababanggit
ang mga katagang “TUWID NA DAAN.”
Hindi na ba bumebenta?
*****
SABI NG MGA KALABAN NI DUTERTE,
bumaba daw ang stocks dahil nangunguna ito sa surveys.
Tapos, nag-mock election
doon MISMO sa Stocks Exchange.
Sino ang nanguna?
Alam n’yo na ang sagot d’yan.
*****
NAKITA N’YO BA ANG ANTI-DUTERTE AD
na pinagawa ni Frog Trillanes
at inere sa ABS-CBN kamakailan lang?
Yun bang may mga bata pang ginamit?
YUN ang desperate move.
*****
SAAN KUMUKUHA NG BUDGET
si Frog Trillanes para sa ganitong ad???
Yan siguro ang DAPAT pa-imbistigahan.
*****
SABI NI TRILLANES WALA SIYANG PAMBAYAD
sa campaign ads niya, di ba?
So, saan nanggaling ang P20 MILLION
for this anti-Duterte ad??
Does it rhyme with AD?
Like ABAD?
*****
NAKAKUHA NAMAN NG TRO
si Sen. Alan Peter Cayetano
para sa anti-Duterte ad na ito.
Si Cayetano ang kasama ni Trillanes dati
sa demolition job versus VP Binay.
Talagang walang permanent friends in politics.
Only permanent interests.
Haaaays.
*****
NASA TOPIC NA RIN LANG TAYO
ng black propaganda laban kay Duterte…
May tanong ang isang kaibigan sa FB:
“NAGTATAKA lang ako, sinasabi na
si Digong daw ay maka-NPA.
Pero bakit ang mga kaliwa na “open secret”
ay kaalyado ng mga NPA
ay Amerikanang kandidato ang sinusuportahan?
Gulong gulo na ako kasi di ba itong
mga makakaliwang ito
ay galit na galit sa Amerikano?
Eh bakit Amerikana ang isinusulong nilang
maging Pangulo ng bansa?
Nasaan na ang isinisigaw ninyong
Imperyalismo ibagsak!
Burukratang Kapitalismo Ibagsak!
Pyudalismo ibagsak?!”
Meron po bang nakakalam ng sagot
sa tanong niya?
Comment lang po.
*****
NAGLABAS NA PALA NG ANNOUNCEMENT
ang Iglesia ni Cristo.
Si Duterte at Marcos ang susuportahan nila.
At naglaway lalo si PNoy at Mar.
*****
BAKIT BIGLA YATANG TUMAHIMIK ANG PALASYO
matapos ang announcement ng INC?
Shhhh…. may nagwawala raw dun!
*****
ANG GRUPONG EL SHADAI NAMAN,
si VP Binay ang inindorso.
Alam n’yo na sino ulit ang naglaway.
*****
DALAWANG TULOG NA LANG
Election Day na.
Sa mga botante,
ihanda ang listahan ng iboboto.
Magdala ng tubig.
At magpasalamat na tapos na
ang anim na taong kalbaryo.
*****
AT KUNG HINDI MAN KAYO BOTANTE,
okay pa rin na magsallita ng inyong
opinyon tungkol sa mga isyu.
Huwag kayong maniniwala
kay DANIEL PADILLA.
Nabayaran lang ‘yun,
umepal na!!!
*****
SABI NGA NG ILANG NETIZENS:
Eh bakit ikaw (Daniel Padilla),
di ka naman marunong kumanta,
kanta ka pa rin ng kanta??
BOOM!!!
*****
AT KUNG SUSUNDIN NATIN
‘yang kabobohang idea ni Daniel Padilla…
bakit ginamit nila ang mga bata
sa anti-Duterte ad?
Eh di ba hindi rin botante ang mga ‘yun?
So, sasabihan ba natin sila ng…
SHUT UP NA LANG KAYO, KIDS?
Ha, Danie P?
Kumanta ka na lang.
NOT.
*****
HABANG SINUSULAT ITO
ay ginaganap ang ang iba’t-ibang
miting de avance o rally ng mga kandidato.
Sina Roxas-Robrero ay nasa Baclaran.
Sina Poe-Escudero ay nasa Plaza Miranda.
Sina Binay-Honasan ay nasa Lawton.
Sina Santiago-Marcos ay may street party
sa West Triangle sa Quezon City,
habang sina Duterte-Cayetano
ay nasa Luneta kung saan ang damo
ay kinalbo ng kalbong gobyerno.
Saan ka dadalo?
*****
HABANG SINUSULAT ITO AY GINAGANAP
ang iba’t-ibang miting de avanse
PHOTO CREDITS:
MAR ROXAS: www.equalizerpost.com
GRACE POE: www.newsflash.org
JEJOMAR BINAY: politics.com.ph
MIRIAM SANTIAGO: www.miriam.com.ph
RODRIGO DUTERTE: www.ucanews.com
PHOTO URLs:
MAR ROXAS:
http://1.bp.blogspot.com/-VYfjJMfPnyI/VmV5gp0KwUI/AAAAAAACBlo/nXTelynHlX4/s1600/Tacloban.jpg
GRACE POE:
http://www.newsflash.org/2004/02/00001/0001020179.jpg
JEJOMAR BINAY
http://politics.com.ph/wp-content/uploads/2015/05/sdasdxc.jpg
MIRIAM SANTIAGO:
http://www.miriam.com.ph/uploaded_images/IMG_3906-756848.jpg
RODRIGO DUTERTE:
http://www.ucanews.com/uploads/2015/12/1449048585.jpg
(end)