SABI NI LEILA DE LIMA, KUNG GAGAWIN DAW
na pelikula ang buhay niya,
gusto niya ay si Dawn Zulueta ang gaganap.
Pwede!
Pwede si Dawn ang gaganap na…
amo niya.
GAGA…
nap.
*****
PWEDE RING SI DAWN…. PEPOT.
O si Dawnya Buding.
*****
ANG GUSTO RAW NIYANG TITLE?
“The Lady Justice.”
Pwede!
Pero mas okay yata kung
“The Lady Dilim Ah!”
(The REAL Dark Justice).
*****
PAPAYAG NAMAN KAYA SI DAWN ZULUETA?
Siguro.
Kung may magaling na
PROSTHETICS makeup artist.
*****
DI BA ANG BEST ASSET DAW NI DE LIMA
ay ang kanyang boses?
Boses lang.
Eh di gawin na lang nating
RADIO DRAMA ‘yang talambuhay na ‘yan.
Good idea!
Iwas sore eyes.
*****
ETO PA ANG ISANG “HOT MOMMA”:
NAPOLES GRANTED BAIL BY THE SANDIGANBAYAN.
Money talks?
Not so easy.
*****
DAMAY LANG SI JANET LIM NAPOLES
dahil pareho sila ng kaso ni Rizalina Lanete,
ang dismissed Masbate Governor.
Pero sa palagay ko
ang target talaga ng pagpapalayang ito
ay si ex-Gov. Lanete lang.
Siya ay makakalaya on bail
pero hindi si Napoles dahil may mga iba pa itong kaso
at nasentensyahan na ito ng reclusion perpetua
para sa illegal detention case laban kay Benhur Luy.
Hmm…. interesting?
Read on.
*****
SI EX-GOV. RIZALINA SEACON LANETE
ay dating Congresswoman ng 3rd District ng Masbate
Nang maging governor ito ng Masbate noong 2010,
ang anak niyang si Scott Davies
ang pumalit sa kanya.
Ang isa pa niyang anak na si Joshur Judd II
ang kasalukuyang mayor ng Placer, Masbate.
Ngayon ay tumatakbo siya bilang vice-governor.
Ang isa pa niyang anak ay si Atty. Jesi Howard.
Siya ang nagbayad ng bail ng nanay niya.
May napansin ba kayo?
Si Rizalina na may nakapaka-Pinoy na pangalan
ay may mga anak with imported-sounding names!
Dinaig si Madame Grace!
*****
TULOY ANG KUWENTO…
Si Gov. Lanete ay nadawit sa PDAF (pork barrel) scam
at ikinulong sa kasong graft and plunder.
Si gov ay may 11 counts ng graft and plunder
dahil sa diumano’y pagkurakot ng P10 billion
na ginamit sa pekeng NGOs, na diumano’y
pagmamay-ari ni Pork Barrel Scam Queen Napoles.
Nakulong siya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City
mula pa noong Febuary 2015.
So… bakit siya binigyan ng bail?
*****
SABI NG SANDIGANBAYAN,
napatunayan daw nila na
hindi naman nagkita personally
sina Lanete at Napoles.
Hindi rin daw umattend si Lanete
ng kahit na anumang party o pa-misa ni Napoles.
Sinabi rin daw ni Benhur Luy,
ang primary state witness,
na never siyang nag-abot ng pera kay Lanete.
Lusot!
*****
MAGKANO ANG BAIL?
Ang anak ni Lanete na si Atty. Jesi Howard
ay nagbayad ng P500,000 bail from plunder
at P330,000 bail para sa 11 counts of graft.
Ang Janet Napoles was like,
“Barya.”
*****
AT NAG-DUET SINA JINGGOY AT BONG:
“Paano naman kami??”
*****
ETO ANG CONNECT THE DOTS:
Si ex-Gov. Rizalina Seachon Lanete
at ang mga anak niyang nasa politika rin
ay nasa ilalim ng National People’s Coalition (NPC)
ni Danding Cojuangco.
Si Danding din ang namumuhunan
sa kampanya ngayon ni Grace Poe.
Si Danding ay uncle ni Pres. BS Aquino III.
Mayaman si Lolo Danding.
Now,
connect the dots.
*****
SPEAKING OF BAIL…
AFTER TWO WEEKS IN DETENTION,
napalaya na rin under bail
ang mga pobreng magsasaka
na kinulong for a variety of charges,
including direct assault and frustrated murder.
Niloko pa sila dahil sinabing bibigyan daw ng bigas,
iyon pala ay ikukulong sila.
Tapos magtataka kayo
kung bakit maraming galit sa gobyernong ito???
*****
NAGUTOM NANG 3 BUWAN.
Sumigaw para marinig ng gobyerno.
Pinaulanan ng bala.
82 bullets in total.
Isa sa mga nasapul ay si Darwin Sulang.
Sumirit ang dugo mula sa kanyang bungo.
He was just 22 years old.
*****
APAT NA BALA NAMAN
ang tumama kay Victor Lumundang, 18 years old.
Dalawang bala sa kaliwang binti,
isa sa kanan, at isa pa sa tumagos sa lalamunan niya.
“Ang gusto lang niya,” sabi ng nanay ni Victor,
“ay mag-uwi ng bigas.”
*****
ISANG LINGGONG HINDI KUMIBO
ANG PANGULO TUNGKOL DITO.
*****
ANG BAIL PARA SA MGA MAGSASAKA,
na umabot sa P546,000
ay nabayaran nina Aiza Seguerra at Liza Diño
na nag-raise funds sa tulong ng mga artists
at concerned groups.
Salamat sa mga taong tulad nila.
Kung sa gobyerno lang tayo aasa?
NGANGA.
*****
Umabot na sa 37.5 ang temperatura
sa Metro Manila kahapon.
At nasa 42 degrees naman ang heat index
o yung nararamdamang init.
Ito na ang pinamakainit na naitala
so far this year.
Nilalagnat na ang buong bansa.
*****
AT TATAAS PA RAW ITO, SABI NG MGA EXPERTS.
Magkukumbulsyon na ang buong bansa.
*****
READY FOR MORE BAD NEWS?
MERALCO SUBSCRIBERS
malamang na magkaroon daw ng rotating brownouts
dahil kulang daw ang supply ng kuryente.
Malapit na ang eleksyon.
23 days na lang.
Tapos may balitang magba-brownout.
Hmmm….
Connect the dots na naman ba ito??
*****
ANG BALIKATAN EXERCISES
ay ginagawa para pagtibayin ang US-Pinoy relations
at para rin pagtibayin ang security
laban sa terrorism and other enemies
(tulad ng China?)
NEWS:
American soldiers and Pinoy cops
nagrambulan sa isang bar sa Palawan.
Pinoy na pulis bumunot ng baril.
At natawa ang nga Intsik.
*****
HINDI PINANGALANAN NG AMERIKA
ang mga sundalong na-involve sa gulo,
pero sinabi nilang pinauwi na raw ang mga ito.
Weh?
Paano namin malalaman?
Gaya ng dati…
ASA PA.
*****
GAYA NG PANAHON,
umiinit din ang patutsadahan
ng mga presidential candidates.
Pero ang bugbog-sarado ngayon
ay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ganun talaga pag nangunguna,
siya ang pupukulin.
*****
SEN. MIRIAM’S BACK ON THE CAMPAIGN TRAIL!
At dinumog ang kanyang sorties
sa Iloilo (noong Wednesday)
at sa Baguio City (kahapon, April 16).
Good for you, madam!
Bigla ko lang naalala ang isang quote:
“Whoever said that WINNING isn’t everything
obviously never had cancer.”
*****
FOR THE FIRST TIME IN A LONG WHILE
ay nagsama ulit sila ng running mate niyang
si Sen. BongBong Marcos.
In less than a week,
two sorties and pinagsamahan nila.
May himala!
*****
VIRAL NA NGAYON ANG ISANG MADE-UP CONVO
between Sens. Poe at Chiz.
Ginawa ito ni @Ryan San Juan.
POE: Chis, saan tayo kakain?
CHIZ: Salamat at naitanong mo iyan.
Ang lugar kung saan tayo kakain ay di mahalaga.
Una sa lahat, dapat malaman natin kung ano ang kakain natin
base sa ating panlasa. Sa edad nating ito importante
na i-prioritze natin ang pagkonsumo ng
masusutansyang pagkain tulad ng gulay at prutas
at umiwas sa mga tinatawag ng fastfood.
Sa paraang ito patuloy pa nating mapagsilbihan
ang ating bansa ng malusog at iwas sa sakit.
POE: Sang-ayon ako sa mga nabanggit mo Chiz.
Maidagdag ko lamang, dapat din nating isaalang-alang
na marapat lamang tayo ay kumain din sa tamang oras.
Sapagkat aanhin mo ang nutrisyon kung ikaw
ay nalilipasan ng gutom. Ayon sa pag-aaral
ng mga eksperto sa ibang bansa ang pagkain
sa tamang oras mahalaga upang mapanaitiling alerto
ang isipan at maliksi ang katawan.
CHIZ: Kung iyong mamarapatin, nais kong imungkahi
na tayo ay tumungo sa paborito kong kainan
sa Tomas Morato sapagkat sa oras na ito ay maluwag
ang trapiko at malaki ang tsansa na hindi tayo
malilipasan ng gutom sa bilis ng byahe at bilis ng serbisyo.
POE: Huwag na tayong mag aksaya ng panahon
at atin ng simulan ang pagtungo sa kainan
ng may tapang at puso na harapin
ang anumang makisalamuha sa daan
patungong kalusugan.
*****
POST NG ISANG FB FRIEND KANINA LANG
(Warning: for adults only):
Hutragis kayong mga taga LRT Monumento kayo!
Pinahaba nyo muna ang pila ng sasakay
saka kayo magsasabi na may sira ang TREN?
Nakakapanggigil kayong mga h**dot kayo!
Tama lang na sigawan kayo
at mura murahin ng mga tao!
Grrrrr!!! Nakakaasar amp*ta!
Umayos-ayos naman kayo, LRT/MRT management!
Dahil sa kapalpakan n’yo, mga ulo nami’y lalong…
UMIINEEEEEEEETTTT!!!!
*****
YAHOO! NEW ITEM TODAY:
Mayweather-Pacquiao rematch unlikely.
Huh?
Bakit may ganitong news pa???
Di ba’t retired na si Mayweather
at ganun din ang announcement ni Pacman?
Hmmm…
may naaamoy ba kayo?
May Plan B ba sakaling hindi umubra
ang balak na pag-upo sa Senado?
You know.
*****
SABI NI STEPHEN ESPINOZA
(Showtime Sports general manager):
“Pacquiao-Mayweather rematch?
it’s really up to the audience, to the fans and the writers.
I know from talking to Floyd — if there’s demand
for a particular fight — I think he will give it
strong consideration…
If people are interested in that fight
then I think they’ll make their voices heard
and we’ll start working on it.”
Ano ba talaga koya?
Ayaw ni Mommy D!!!
*****
NARINIG N’YO NA BA YUNG AD NI SEN. DRILON?
Sabi sa ad niya,
siya raw ang BIG MAN.
Pero dahil sa pagkakasangkot nito
sa DAP/PDAF (PORK) scam,
mas bagay yata kung…
PIG MAN.
Oink.
*****
PHOTO CREDITS:
JANET NAPOLES: philnews.ph
LEILA DE LIMA: www.youtube.com
RIZALINA LANETE: professionalheckler.com
KIDAPAWAN FARMER’S WIFE: www.mindanews.com
SEN. MIRIAM SANTIAGO: http://all-about-juan.info/2016/04/sen-miriam-defensor-santiago-slu-baguio-city/
KIDAPAWAN FARMER’S WIFE:
http://www.mindanews.com/wp-content/uploads/2016/04/13rally22.jpg