NAKITA N’YO NA BA YUNG UNIFORM
na gustong ipasuot ng COMELEC
sa Board of Election Inspectors (teachers)?
Bakit mukhang….. APRON???
Ahh… baka may lulutuin.
*****
SABI NI COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ,
para daw ma-“uplift ang dignity” ng election inspectors.
HAHAHAHA!!!!
Comedian din pala itong si Jimenez, ‘no?!
*****
MAGKANO NAMAN ANG GAGASTUSIN
ng COMELEC para sa uniforms na ‘yan?
Mga P21 MILLION lang naman.
Mayaman pala ang Pilipinas??!!!
*****
ISANG ARAW LANG PO GAGAMITIN ‘YANG
P21 million na ‘yan.
Ganyan kaluho ang mga nakaupo.
Kabobohang priorities.
Manang-mana sa nag-appoint sa kanila.
*****
NAPANOOD N’YO BA YUNG AD NG PRIDE DETERGENT
na may mga batang nagtatanong?
“Bakit sabi nila may kandidatong magnanakaw?”
“May kandidato raw na kupitero?”
“May kandidato raw na papatay ng tao?”
“Bakit may kandidato na hindi pa handa?”
Marimar!!!
Lumapit-lapit ka nga dito!!!
*****
OBVIOUSLY, PATAMA ITO SA MGA KALABAN NI MAR.
Ang may-ari ng ACS Manufacturing Corp.
na gumagawa ng Pride Detergent
ay nagmula sa Capiz, ang probinsiya ni Mar Roxas.
Coincidence?
*****
SABI NG MAY-ARI NG PRIDE AT ACS,
hindi raw sila pro-Mar.
Wushuuu!!!!
Tulad ni Boy Sisi at ni Boy Epal,
akala n’yo siguro, lahat ng Pilipino ay…
TANGA.
*****
PAANO KUNG MATALO SI MAR?
Eh di… lulunukin niya ang kanyang…
PRIDE.
*****
EH YUNG AD PETILLA PARA SENADOR?
“Icot Petilla po!
Paikutin natin ang asenso!”
PAIKUTIN MO ULO MO!
Di mo na maiicot ang ulo namin, Icot!
*****
EH NOONG ENERGY SECRETARY KA PA,
napababa mo ba ang singil ng kuryente?
Natupad mo ba yung pangako mo
pagkatapos ng Yolanda???
Icot pa more, Icot!
*****
NAALALA N’YO BA SI FRANCIS TOLENTINO?
Yung isa pang epal na nagta-traffic sa EDSA…
matapos magtawag ng press people?
Ang sabi niya sa ad niya:
“Samahan n’yo akong maghanda
para maging ligtas ang ating kinabukasan.”
Ehhh… kayo na lang po.
Dito na lang po us.
(Kapal naman talaga nito!)
*****
KINUWESTIYON NAMAN ANG AD
ni Risa Hontiveros.
Mukhang sa pondo raw kasi ng PhilHealth
nanggaling ang ginastos dito.
Bakit hanggang ngayon,
wala pa ring sagot dito si Hontiveros?
Mahirap bang gawing transparent
ang source ng campaign ads?
So, asa ka pang makakapasok ka sa senado!
*****
EH YUNG AD NI CHIZ ESCUDERO?
Bakit parang lasheng ang boses niya?
Tinatanong pa ba yan!
*****
PERO ANG “KAHINDIK-HINDIK AD AD” AWARD
goes to…
LEILA DILIM’ah!
Oo, maganda yung naunang TV ad niya.
Yung black & white na parang period movie.
Pero yung bagong ad?
“Sa inyo at sa bawat pamilyang Pilipino…
I love you.”
Bedroom voice!
Babangungutin kayo!!!
******
BAWAT KANDIDATO AY HINA-HIGHLIGHT
sa ad nila ang pinakamaganda nilang quality
sa loob lamang ng ilang segundo.
Sa radio ad ni Leila de Lima,
ni-highlight ang sa tingin nila ay ang kanyang best asset:
ANG BOSES N’YA.
Sabi ng male voice sa ad:
“Ganda talaga ng boses!
Ma’m isang ‘I love you’ naman d’yan o!”
DE LIMA (seductive voice):
“I love you.”
YAN!!!!
YAN NGA ANG KAILANGAN NATIN SA SENADO!!!!
*****
IBOTO SI DE LIMA!!!
Bilang pasyon singer!
*****
PAGANDAHAN BA NG BOSES SA SENADO?
Aba’y di panalo na si…
Rey Langit!!!
*****
PERO ANG PINAKAPATOK NA ISSUE
sa netizens nitong nakaraang linggo
ay ang KOMIKS NI MAR ROXAS
na pinamagatang “Sa Gitna ng Unos.”
Pinuri ng komiks ang kabayanihan ni Mar
nang manalasa ang bagyong Yolanda
at sa mga araw matapos nito.
Ah…. comedy pala!
*****
PINAGPIYESTAHAN ANG KOMIKS NA ITO.
Nagsulputang parang kabute
ang mga memes at iba pang spoof
ng komiks na ito.
Sample:
“SA GITNA NG UNOS!”
ay naging
“SA GITNA NG UNGAS!”
Gusto mo (Mar) ng KUTOS?
*****
SABI SA KOMIKS:
“Muntik-muntik nang mapahamak
si Mar sa lupit ng Yolanda.”
Dahil nasa loob siya ng isang hotel
at nagtatago sa ngitngit ni Yolanda??
*****
NAG-VIRAL ANG ISANG VIDEO
kung saan makikita ang guests ng Leyte Park Hotel
na nag-huddle together, takot na takot
sa pananalasa ni Yolanda.
Kasama sa guests na iyon si Marimar!
Muntik-muntik nang mapahamak?
O muntik-munitk nang maihi sa salawal niya?
*****
MAKIKITA RIN SA KOMIKS ANG DRAWING NI MAR
na may ganitong dialog;
“Kailangang isama ang lahat sa basement!
Walang maiiwang sinuman!”
Huh?!!
May storm surge, ser.
Lulunurin mo silang lahat sa basement???
Aba’y katalino!!!
*****
SABI PA SA KOMIKS:
“Nasa gitna nang nakalulunos na tanawin si Mar,
kasama siyang nagsasaayos ng paligid…
nag-aasikaso sa mga sugatan at agaw-buhay.”
LIPA CITY ARCHBISHOP RAMON ARGUELLES:
“Nagpa-photo op lang si Mar.”
Boom!
*****
ITO NAMAN ANG SABI NI FR. RAMIL COSTIBOLO
na naroon mismo sa Tacloban
nang manalanta si Yolanda.
Part ito ng sulat niya kay Mar Roxas:
You were barking orders to a nonexistent owner
of a heavy equipment being used for d construction
of petron. “Gamitin na yang heavy equipment
kasi nabahaan tayo. Ako na ang bahala sa Petron.”
I’m not sure if you were in a panic so as not to notice
that there were no people near the equipment
and it was also fully submerged just hours before
so as to entertain the possibility that it wont start
much less work? Or were you just giving orders
for the sake of media exposure because a tv crew
was pointing the camera at you?
Yan ang boom na boom!
*****
SABI PA SA KOMIKS:
“Sa kabila ng maigting na intensiyong makatulong,
ang mga maikling pagtatalo at munting
di pagkakaunawaan ay pinalaki agad
ng mapaniwalang miyembro ng media.”
Ahh. Si Gloria at ang media.
Sila ang may kasalanan ng lahat.
*****
YANG HULING ITEM AY TUNKOL DOON SA
famous words niya na:
“Remember, you’re a Romualdez
and the president is an Aquino.”
at
“Bahala kayo sa buhay n’yo!”
Bakit kaya hindi isinama ‘yan sa komiks?
Madrama pa naman sana.
*****
GAYA NG BUHAY NI MAR…
ang lahat ng sinasabi sa komiks ay…
DRAWING.
*****
SABI NGA NI FB FRIEND @WARDEN PHOENIX:
So, pinapalabas ng comics na “superhero” si Mar?
Aba astig!
Sya si CLARK CAN’T!
Si SUFFERMAN!
*****
ANO ANG REACTION NI MAR SA KOMIKS?
“I didn’t approve it,
but it’s accurate.”
WHAHAHAHAHAHA!!!!
*****
MAR ROXAS:
“To those who appreciated it, thank you.
To those reacting negatively, they are probably
supporting our rivals, and perhaps they are
reacting negatively because they see
how effective it is.”
Effective daw???
Isa pa…
WHAHAHAHAHAHA!!!!
*****
ANO NAMAN ANG REACTION NG LIBERAL PARTY?
Natural, dinepensahan nila si Mar.
Dapat daw MAY DRAMA.
Huh???
Di ba sabi ni Mar….
Ayyy, ambot sa imo!!!
*****
ANO NAMAN ANG REACTION NI ATE KORING?
Dedma.
Nagpakuha pa nang nakangiti
habang hawak ang komiks.
Nabatiko tuloy ng netizens.
“It’s not a laughing matter,” ‘ika nila.
Maglako ka na lang ulit ng tsinelas, ateng.
*****
KAY MAR PA RIN, SPEAKING IN FRONT OF BUSINESSMEN:
“The nation has gone from diaper, to short pants.
And the question now is how to get from short pants,
to long pants.”
Tumatakbo ba ito bilang…
sastre???
*****
MAR IN FRONT OF BUSINESSMEN:
“I won’t retain PNoy’s cabinet.”
Eh di umamin ka rin na palpak
ang gabinete ng bossing mo!
*****
ANG APRIL 1 AY APRIL FOOLS DAY.
Pero hindi nakakatuwa ang nangyari
sa mga kababayan nating magsasaka sa Kidapawan,
ang capital ng Cotabato province.
Tatlong buwan na silang naghihintay
ng tulong na mula sa P238 million
calamity fund for Cotabato.
Tuyo na ang lupa nila.
Wala nang masaka.
Wala nang makain.
Pagkain po ang hinihingi nila.
Bakit bala ang ibinigay n’yo sa kanila?
*****
PNP SPOKESMAN WILBEN MAYOR:
“We observed maximum tolerance.”
MAXIMUM TOLERANCE NA PALA ANG PAGBARIL
SA MGA MAGSASAKANG WALANG ARMAS??
Baka naman MAXIMUM INTOLERANCE!!!
Nakakagigil.
*****
MARCH 30 NANG SINIMULANG MAGBARIKADA
ng mga magsasaka kasama ang mga lumad
ng Cotabato.
Para maintindihan ang mga pangyayaring ito,
puntahan ang link na ito.
Madaling intindihin.
Madaling basahin.
Pero hindi po komiks ‘yan.
*****
PHOTO CREDITS:
MAR ROXAS KOMIKS: www.pydpyper.com
BEI UNIFORM: www.mb.com.ph
KIDAPAWAN DISPERSAL VICTIM: www.getrealphilippines.com
LEILA DE LIMA: normannorman.com