Quantcast
Channel: The Philippine Online Chronicles » Buhay Pinoy
Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

NEWSKUPOW! Ang B.U.B. ni Mar at PNoy. Bow!

$
0
0

nkpow feb13

NAGSIMULA NA OFFICIALLY ANG CAMPAIGN PERIOD
para sa mga tumatakbo bilang
president, vice-president, senator at party list
nitong February 9.

February 9 din nang bumaha sa buong bansa.
Bumaha ng mga pangako
at bumaha ng pera
mula sa mga tatakbong politiko.

*****

KINABUKASAN, FEBRUARY 10,
tunay na bumaha sa Sta. Mesa, Manila
dahil sa nabiyak na water pipe.
Daig pa raw ng Ondoy ang dinulot nitong baha,
sabi ng mga residente ng lugar.

Ngayong problema ang supply ng tubig
dahil sa nararanasang El Niño,
nakakagalit ang ganitong kapabayaan.

Malamang si Gloria may kasalanan niyan.

*****

TSISMIS 1: Si Grace Poe ang secret candidate ni PNoy
TSISMIS 2: Si Digong ang secret candidate ni Binay.

Walang tsismis kay Mar?
Sino ‘yon?

*****

SOBRANG BUSY ANG LAHAT.

Si Pres. BS Aquino III ay ikinampanya
ang mga manok niyang sina Mar Roxas
at Leni Robredo sa Iloilo (Feb 9),
sa LMP general assembly (Feb 10),
sa LBP national assembly (Feb 11),
at sa Camarinues Sur (kahapon, Feb 12).

Sipag ng lolo n’yo!
Takot talagang makulong.

*****

SA LIGA NG MGA BARANGAY SA PILIPINAS
national assembly noong February 11,
ipinagmalaki ng pangulo
ang Bottom-Up Budgeting (BUB)
para sa mga barangay.

BUB para sa mga barangay,
UNLI budgeting para sa KKKK niya.

Wais!

*****

AT MAGKANO ANG BUDGET NA INILAAN
para sa BUB na ito?

P100 BILLION lang naman.

At naihi sa excitement si Janet Napoles.

*****

SO, GINAGAMIT NG GOBYERNO
ang BUB na pera ng taumbayan
para ipangampanya
ang manok nilang sina Mar at Leni??

Ganun na nga.
Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika.

Ouch.

*****

NAKATULONG NAMAN KAYA ITO
sa pagtaas nila Mar at Leni sa surveys?

Asa pa.

*****

PNOY:
“Piliin ang daang matuwid
kung hindi ay magiging maputik
ang ating daan.”

Eh di IMPROVEMENT po ‘yon.
Kasi, ang daan natin ngayon ay —
sa TOTOO lang —
MABURAK.

*****

MAR ROXAS:
“Tayo ang sundalo ng Daang Matuwid.
Dilaw ang kulay ng ating prinsipyo.
Dilaw ang kulay ng ating paninindigan,
at dilaw ang kulay ng ating tagumpay.”

Wow.
Pati kulay ng underwear mo, dilaw din?
O naninilaw lang?

*****

MAR ROXAS, KAPAG NANALONG PANGULO:
“Walang ibang gagawin si Korina
kundi ang mahalin ako.”

Spoken like a true chauvinist pig.

*****

MAR ROXAS:
“Wala siyang ibang gagawin
kundi ang mahalin ako.”

Ganern?

Di na n’ya kailangang sulsihan
yung butas-butas mong pambahay?

*****

NANGAKO RIN SI MAR NA IPAPASA ANG
FREEDOM OF INFOMATION (FOI) BILL
kapag siya’y nanalo bilang pangulo.

Narinig na po namin ‘yan noong 2010 eh.
Echo ka ba ni Boy Sisi, ser?

*****

MAR ROXAS PINAIIMBISTIGAHAN
sa Ombudsman dahil sa papel nito
sa maanomalyang procurement at
service contracts na pinasok ng DOTC
noong ito pa ang kalihim nito.

May mangyayari naman kaya
sa imbestigasyon na ito?

Asa pa.

*****

PNOY:
“Dapat yata, habang umaasenso tayo,
dapat nagbabago ang anyo ng problema,
dapat nababawasan ‘yung paghihirap
ng ating mga kababayan na pinangakuan
nating lahat na paglingkuran.”

Sabihin mo ‘yan sa harap ng salamin, ser.

*****

KUMUSTA NAMAN ANG CAMPAIGN
NI GRACE LLAMANZARES?

Hayun, Poe pa rin ang gamit.
At isinisingit pa rin lagi sa speeches niya
ang mga titles ng pelikula ni FPJ.

Kapag puno na ang salop,
kalusin na ‘yang Amerikanang ‘yan.

*****

TINAMAAN SIGURO SA AD NI MAR ROXAS,
heto ang sabi ni Grace sa Plaza Miranda:

“Marahil nga ay madrama ang buhay ko
dahil tulad ng karamihan
sa ating mga kababayan,
may pinagdaanan akong hirap at pait.”

Whoa!
Sino ba scriptwriter nitong pelikulang ito??

*****

VICE-MAYOR ISKO MORENO,
mukhang may kumukompetensya sa style mo!

*****

GRACE POE:
“Puno na ang salop ng kahirapan,
puno na ang salop ng katiwalian.
Dapat na itong kalusin.
Ipaglaban natin na ang bawat isa
ay may pagkain, may hanap buhay,
may edukasyon at may kalinga.”

Naku, ma’m, sana’y magkaroon ka naman
ng KAHIT KONTING PAGTINGIN, este, HIYA.

*****

Speaking of Grace Poe…

Kumakalat ngayon sa internet
ang picture ng anak nito na suot ang
2011 Limited Edition Nike Mag 10.

Weno naman ngayon?

Eh… mga P900,000 lang naman kasi ‘yan.

Wha….???

Kalusin na nga!

*****

PALIWANAG NI SEN. POE,
nagtatrabaho raw kasi ang anak niya
bilang neophyte reporter
sa isang TV station.

REPORTER? NEOPHYTE PA?
Tapos makakabili ng
halos ISANG MILYONG sapatos?

Akala ko ba sabi ni Grace Poe, eh
wala silang pera?

Sarap sapatusin.

*****

P900,000 LIMITED EDITION NIKE MAG 10.

Makamasa nga.

Daw.

*****

TALAGANG MAGASTOS POE.

At umpisa pa lang ‘yan.

*****

NAG-ALAGA KAY POE UMUWI MULA CANADA
Dala raw niya ang ebidensyang magpapatunay
ng katauhan ni Grace Poe:
Birth certificate.
Umbilical cord.
Wha….???

Sino’ng Sisa ang nagtatago
ng umbilical cord ng isang bata???

*****

NAG-ALAGA KAY POE UMUWI MULA CANADA.

Bagong character ito.

And the teleserye continues.

Abangan!

*****

SA KAMPO NAMAN NI VP BINAY…

Sa kanilang proclamation rally sa Mandaluyong,
heto ang sinabi ng senatorial bet nilang
si Pambansang Kamao Manny Pacquiao:

“Jijomar Binay is distined
to be our nixt prisidint.”

Idiwow!

*****

DAGDAG PA NI PACMAN:
“Ang ating mahal na presidente Binay,
dumaan din sa hirap.
Kaya ako nagte-testify sa inyo ngayon
na kahit anong sigaw ng mga mahihirap,
nararamdaman ng
mahal na presidente natin yan.”

Pasilip nga ng shoe rack niya
kung walang Nike Mag 10!

*****

SA PROCLAMATION RALLY NAMAN NG KAMPO
NI MAYOR DIGONG AT ALAN PETER CAYETANO…

Nag-walkout ang mga senatorial bets nilang
sina ex-General Diomedes Santiago
at Sandra Cam.

Nanggalaiti ang mga ito ang sinumpang
hinding-hindi nila susuportahan o iboboto
si Alan Peter Cayetano bilang vice-president.

Ang dahilan?
Pinagbawalan daw sila ni Cayetano
na umakyat sa stage at mag-speech.

Baka naman kasi wala silang prepared na…
song and dance number.

*****

NOONG FEB 11 NAMAN AY
inatake si Digong ng matinding Cayetano.

Si Cayetano po ang kanyang
matinding sakit ng ulo.

*****

NAKAKUHA NAMAN NG BAGONG KAAWAY
si Mayor Duterte sa Kilusang Mayo Uno
nang sabihin ng mayor na bubuwagin niya
ang lahat ng labor unions.

Mayor, dahan-dahan lang.
Dagdag-sakit ulo ‘yan.

*****

SPEAKING OF ULO…

Nang hamunin ni Mar Roxas si Digong
na ilabas nito ang medical records n’ya,
ito ang naging tugon ng mayor:

“Dapat ipakita muna ni Roxas
na tuli na siya.”

At napakagat-labi si Ate Koring.

*****

MAYOR DUTERTE:
“Dapat ipakita muna ni Roxas na tuli na siya.”

At nag-blush si
Joross Gamboa.

*****

BAHAY NI PNOY SA TIMES STREET
nilusob ng mga rallyista noong birthday niya.

Awww…
They remembered his birthday!
Well-loved talaga ang pangulo, ‘no?!

*****

ANO ANG DALA NILANG GIFTS FOR PNOY?

Kamatis at bulok na itlog.

Awww talaga.

*****

PARA SA STUDENT NA GINAWANG MOP
ANG PHILIPPINE FLAG:

Alam mong mali ang ginagawa mo.
Alam mong kinukunan ka ng video.
Alam mong magiging viral ito.
Alam mong mapapa-trouble ka dahil dito.
Tinuloy mo pa rin.

Baka naman…
likas ang angkin mong KABOBOHAN.
Sayang lang binabayad na tuition fee
ng mga magulang mo.

Wala ka namang natututunan.

Magtanong ka kaya kay Isko Moreno.
Maraming alam ‘yun.

*****

SEN. SOTTO VOWS TO BRING “EAT BULAGA,”
ALDUB TO PANGASINAN KUNG MANALO SILA.

Akala ko ba, walang politika for AlDub, Tito Sen??

*****

AT PAANO KUNG MATALO SILA?
Sino ang ipapadala sa Pangasinan,
si Vice Ganda?

Ganern ba ‘yun?

*****

BALAK NA PAGSASARA
NG WHITE PLAINS AVENUE
mula February 14 to 29
kinansel na.

Eh sino ba naman kasing gunggong
ang nagplano ‘yan?
Hawa-hawa na talaga sila, ‘no?

*****

HABANG TINITIKETAN ANG ISANG TRUCK DRIVER,
bumaba ito at sinuhulan ng P2,000 ang traffic officer.

Dahil dito, hinuli siya, ikinulong
at sinampahan ng patung-patong na kaso.

Mali si Ate Guy.
May himala!!!

*****

FROM THE INTERNET:

Valentine’s Day

Tanging araw sa buong taon
kung kailan ipinadarama
ng mga magsing-irog
ang wagas nilang pagmamahal…

sa mga negosyante.

*****

SAWI KA BA BUKAS, VALENTINE’S DAY?

Sabi ni Bob Ong,
ang SAWI daw ay Single At Walang Ipon.

Napa-ouch ka rin ba?

*****

PHOTO CREDITS:
MAR ROXAS AND PNOY: https://twitter.com/maxell_lander/status/487116872685350912
MAGASTOS POE: pinoytrendingnews.net
MAYOR DUTERTE: www.sunstar.com.ph
NIKE MAG: www.nicekicks.com
STUDENT MAKES FLAG A MOP: newsinfo.inquirer.net
DAANG MATUWID: www.negroschronicle.com

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

Trending Articles