Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

NEWSKUPOW! Adjourned!

Image may be NSFW.
Clik here to view.
nkpow january 6

GRACE POE TOPS LATEST PULSE ASIA SURVEY.

Para saang pelikula ito?

*****

SA LATEST PULSE ASIA SURVEY,
nag-tie sa second place sina
VP Binay, Mayor Duterte at Mar Roxas.

Wha…?
TATLO ang Miss Colombia???

*****

LENI ROBREDO ESCAPES CAR BOMBING.
Wow!
Pampelikula rin!

Masyado ka kasing nagdididikit kay Boy Epal eh.
Nahahawa ka na tuloy.

*****

TONIGHT, FEBRUARY 6, IPAPALABAS
sa “Maala-ala Mo Kaya”
ang buhay ni Leni Robredo.

Ayun!
Baka promo gimik ‘yung car bombing ek.

****

LENI ROBREDO ESCAPES CAR BOMBING.

Kapag kulelat talaga,
maraming gimik.
Itanong n’yo pa kay Boy Epal.

*****

ANG INCREASE SA SSS PENSION
ay vineto ni Pres. BS Aquino III
noong Janaury 12.

Pinagdamot ang P2,000 increase.
Kaya si Boy Sisi ay may bagong pangalan:
Mula Boy Kulangot, naging Boy Kuripot.

*****

SA HULING SESSION NG KAMARA
noong Miyerkules, February 6,
tinangka ng ilang mambabatas
na i-override o baligtarin
ang pag-veto na ito ni PNoy.

Pero, tama si Ate Guy.

Walang…. himala!!!

*****

NABIGO ANG MGA MAMBABATAS NA ITO.
Biglang inadjourn ang session
at pinatayan ng microphone
si Rep. Neri Colmenares.

Di nila type ang kanta n’ya?

*****

GANYAN PO KABASTOS ANG MGA DILAWAN.

Manang-mana sa bossing nila.

*****

REP. LITO ATIENZA:
“Binastos ang mga miyembro ng Kongreso.
You do not do that in a civilized society.”

Ahem, ser…
nasaan po ba ‘yang sinasabi ninyong
civilized society na ‘yan?

*****

PATI ANG MGA LOLO’T LOLA
na dumalo sa session ay nanggalaiti.

Nangatog ang mga pustiso nila sa galit.
Napatungga silang lahat ng…
maintenance meds.

Pinagkaitan at inapi ang mga lolo’t lola
ng mga kapwa nila lolo’t lola…
NA BUWAYA.

*****

SABI NG ISANG 66-YEAR-OLD PENSIONER:
“Nanawagan kami na ‘yung dalawang libo
sana maibigay kasi malaking bagay sa amin ‘yun.
Pambili namin ng mga gamot, ng mga kailangan,
lalo na sa panahon ngayon, hirap na ang buhay.”

Alam ko na po ang isasagot sa inyo ni PNoy:
“Who you?”

*****

192 VOTES ANG KAILANGAN
para ma-override ang veto ni PNoy.
Sabi nina Reps. Colmenares at Atienza,
kayang-kaya daw maabot ito
kung natuloy lang ang botohan.

Ang tanong:
May pambayad ba kayo
sa mga buwitreng boboto?

*****

INAMIN NAMAN NI SPEAKER SONNY BELMONTE
na in-adjourn nila ang session
para iligtas si Pnoy sa kahihiyan.

MAY HIYA PA PALA ‘YUN???

*****

SPEAKER BELMONTE:
“Ayaw naming itali yung kaniyang kamay.”

Itali n’yo na po.
Sa RILES, kung pwede.

*****

SPEAKER BELMONTE:
“Ayaw din namin to embarrass PNoy in any way.”

Pero sa 2.1 million pensioners,
wala kayong hiya?
Ganern???

*****

SPEAKER BELMONTE:
“Ayaw din namin to embarrass PNoy.”

Sir, huwag po kayong mag-alala.
Matagal na po siyang kahihiyan ng bayan.

*****

MALINAW NA NGAYON
na marami sa ating binotong
mga REPRESENTATIVES
ay hindi TAYO ang nire-represent
kundi ang mga diyos-diyosan nila
sa gobyerno.

Nakakasuklam.
Nakakasuka.

*****

PATI ANG BBL NA SINASABING PINAGLALABAN NI PNOY
ay isinakripisyo, para lamang hindi ma-ovveride
ang pag-veto ni Boy Sisi sa SSS pension hike.

Para lang makaiwas sa kahihiyan ang presidente?

Ibang level na talaga kayo, mga ser!

*****

DAHIL SA PAG-ADJOURN NA ITO,
namatay na rin ang BBL,
anti-dynasty bill, at pati na ang
Freedom of Information (FOI) bill.

In other words…
LAHAT ng ipinangako ni PNoy,
napako na.

*****

PINANGAKUAN NA NGA KAYO,
gusto n’yo pa…. tuparin???

Demanding naman!

*****

NANDOON DIN SA BATASAN SI ROBIN PADILLA
para suportahan ang ang pag-override ng veto.

Kwento ni Robin sa kanyang Facebook account:

“Sa loob ng building na ito naranasan ko
ang sarhan ng pintuan at ipagtabuyan ng security men.
Nakita ko kung paano ipagtulakan ng isang security
ang kasama kong babae. Ipinakita sa akin
ng building na ito ang pambihirang trato
sa mga matatandang babae at lalaki
na humihingi lamang ng konsiderasyon…”

Eh, Robin…
ang building kasi na napasukan mo ay
CROCODILE FARM.

*****

DAGDAG PA NI ROBIN:
“Nais ko sana sumugod tumayo at sumigaw
sa gitna ng floor ng congress upang gisingin
sa kanilang mga pagkakahimbing
yakap ang kapangyarihan……
ngunit hindi ko nagawa dahil sa isang pangako
na dapat ay maging …… MAPAYAPA !!!!
Masyado ng naabuso ang salitang ito.
Inabuso ng mga taong nangako ng pagsisilbi
sa mga kapus palad.
Lumagpas ang isang pagkakataong
makarebolosyonaryo dahil ako’y naging mapayapa.
Bakit nga ba ang mga mahihirap lamang
ang nakakaintindi sa salitang kapayapaan
at ang mga makapangyarihan ay hindi?”

Tatakbo ka ba, Robin?

*****

SO, KUNG WALA NAMAN PALANG SILBI
ang kamara at ang senado eh…
bakit di pa natin ito buwagin???

Malaki pa ang matitipid sa kaban ng bayan.

Mababawasan pa ang mga buwaya.

*****

MGA 50 BARIL NA-CONFISCATE SA CHECKPOINTS.

Pa’no ‘yon?
Di ba isa sa mga dapat tandaan sa checkpoints ay:

“You are not obliged to open
glove compartment, trunk or bags.”

So… paano nila nakikitang may baril?
Tanga ang may-ari? Hindi itinago?
O may x-ray vision ang mga pulis?
Paki-explain nga po.

*****

ABAYA’S “GOOD NEWS”

Itong si DOTC Sec. JUN pABAYA ay nagmalaki
na gawa na raw ang escalators ng MRT-3.

Clap! Clap! Clap!!!

But wait…. there’s more!!!

12 escalators lang pala ang ginawa.
34 pa ang sira.
At meron pang 32 elevators
ang hindi rin umaandar.

Pasikat pa more, useless secretary!

*****

PALASYO:
“Next president must be as committed as PNoy.”

HAHAHAHAHA!!!

You’re funny, Palasyo!
Apir!!!!

*****

OPLAN GALUGAD PATULOY NA NAKAKUHA
NG ILLEGAL ITEMS SA BILIBID.

Subukan n’yo kayang mag-Oplan Galugad
sa Palasyo at sa cabinet ni PNoy?

Sigurado pang…
BILYONES ang makukuha n’yo.

*****

DSWD EMPLOYEES GET BONUS FROM PNOY.
Dinky Soliman pinuri nang husto ni PNoy.

Ngayon, sigurado na tayo:
Type ng pangulo ang mga BULOK.

Sarap yata ng bulok na relief goods,
di ba, Dinky Doo?

******

PAPURI NI PNOY:
“Shortly after the announcement
of a coming typhoon, relief goods
are already prepositioned
and ready for distribution.”

Mr. President,
paki-check lang po ang expiration date, k?

*****

ENRILE:
“To those who wish I were dead,
you will have your wish one day.”

Wag muna, sir.
Ipapakulong mo pa si PNoy at Puri, di ba?

Pakibilisan na lang po.
Salamat!

*****

TRILLANES GETS ARREST WARRANT
para sa libel case ni Junjun Binay laban sa kanya.
Sabi niya, harassment daw ito.

Pero yung 25 senate hearings
niya laban kay VP Binay
na tumagal ng isa’t kalahating taon,
“search for truth” daw.

Ang bully ayaw ma-bully.

*****

TRILLANES MAY WARRANT OF ARREST.
Junjun Binay kakasuhan sa Ombudsman.

Ang saya-saya!!!

*****

BISHOP TO VOTERS: DON’T VOTE FOR MAR.

Don’t worry, Father, we won’t.

*****

MAR: HINDI KO KAYO NANAKAWAN.

Naghihintay po kami ng punchline.

*****

MAR TO DUTERTE: “SORRY, DI KITA TYPE.”

Ang lalim ng quotable quote mo, sir!

*****

PNOY APPROVED PRIVATIZATION OF CHANNEL 13.

Sa pagbaba kaya ni PNoy,
may matitira pang pag-aari ang gobyerno?

*****

ROY SEÑERES QUITS PRESIDENTIAL RACE.

Patay si Marimar.

Talagang SIYA na ang kulelat ngayon.

*****

PHOTO CREDITS:
ROBIN PADILLA: www.asianfightscene.com
NERI COLMENARES: www.ndb-online.com
SONNY BELMONTE: alchetron.com
LENI ROBREDO: news.abs-cbs.com
GRACE POE: www.presidentiables.ph

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 100

Trending Articles